(Ni CS SALUD)
RAMDAM na natin ang init ng panahon. Kapag lumalabas tayo ng bahay, paniguradong matutusta tayo sa tindi ng init lalo na kung wala tayong dalang panangga. Importante rin ang paglalagay ng sunscreen nang hindi masunog ang balat.
Sa tindi ng init ng panahon, kasabay nito ang pag-iisip ng mga paraan upang maginhawaan ang pakiramdam. At isa nga sa nakapagbibigay ng ginhawa sa atin ang maayos at malinis na bahay.
Kung mayroon nga namang lugar na nakapagbibigay sa atin ng ginhawa, iyan ang kuwarto. Doon tayo naglalagi lalo na kung gusto nating makapagmuni-muni. Sa kuwarto tayo nagbababad lalo na kung asam natin ang ma-relax at magkaroon ng katahimikan ang puso’t isipan. Sa nasabing lugar din tayo nakapagpapahinga nang maayos. Kumbaga, sa sariling kuwarto natin ma-susumpungan ang kaginhawaan.
Kaya’t ngayong summer, mainam din kung aayusin natin ang ating kuwarto ng naaayon sa panahon. Pero hindi madali ang pagdedekorasyon ng kuwarto kapag summer dahil may mga kailangan tayong isaisip. Hindi lamang din isang parte o bahagi ng silid ang dapat nating ayusin, kundi ang buong kuwarto nang maging maganda at maayos ang kabuuan nito.
At sa mga planong ayusin ang kanilang kuwarto na swak sa summer, narito ang ilang dapat na isaalang-alang:
PILIIN ANG LIGHT COLORS
Sa usapang outfit, swak ang light colors lalo na kapag mainit ang panahon. Kung light nga naman ang outfit o suot mo, magi-ging magaan ito sa paningin at pakiramdam.
Kaya naman, ang ganitong rule ay swak din sa pagdidisenyo o pagpapaganda ng bawat silid sa tahanan, lalong-lalo na ang bed-room.
Maganda ring magdagdag ng fresh colors at natural touches sa kuwarto ng magkaroon ito ng buhay at sigla.
Swak din ang paglalagay ng flowers dahil malaki ang impact nito sa isang kuwarto. Isa rin sa makatutulong upang gumanda ang kuwarto ay sa pamamagitan ng pagsasabit ng seasonal artworks gaya ng bulaklak, boats at kung ano-ano pa.
ALISIN ANG MGA KALAT SA KUWARTO
Mas nakaiirita at nakaiinit ng ulo ang makalat na kuwarto. Bago o sa panahon ng summer, kailangang walang nakakalat na kung ano-anong bagay na hindi naman mahalaga sa ating silid.
Kaya, i-check ang mga nasa loob ng kuwarto at alisin ang hindi naman kapaki-pakinabang.
Siguraduhin ding nakapapasok ang hangin sa loob ng silid nang hindi ito magkaroon ng masamang amoy o kulob na amoy.
Maaari rin namang tanggalin ang rugs at carpet sa kuwarto dahil bukod sa maaari itong pagmulan ng hindi magandang amoy, puwede rin itong makadagdag sa init sa loob ng kuwarto. Siguraduhin ding malinis ang floor o sahig ng kuwarto dahil makatutu-long ito upang maging malamig ang lugar.
PUNDA, KUMOT AT BEDDING
Hindi nga naman kompleto ang pagpapaganda ng kuwarto kung kaliligtaan natin ang ating higaan o bed. Siyempre, kailangan din natin itong i-upgrade nang malubos ang kagandahan ng ating kuwarto.
Light colors din ang kailangang piliin sa mga punda, kumot at bedding o cover. Bukod sa light color, mahalaga ring cotton ang texture nito para sa mas komportableng pakiramdam.
Makatutulong din ang mga kulay na pink at aqua marine para maging komportable o masarap ang tulog.
MAGLAGAY NG ORNAMENTS AT PHOTOS
Nakadaragdag din ng ganda sa isang lugar ang paglalagay ng mga new touch gaya ng ornaments o kaya naman photos.
Puwede rin ang pagdadag ng coastal style accents sa bedding, throw pillows, art at decorative accents na lalong magpapaganda sa silid at pagbibigay ng komportableng pakiramdam ng naglalagi roon.
Ilan sa mga coastal style na maaaring ilagay sa bedroom ang beachy blue colors, shell décor, boats at starfish.
Perfect na perfect itong i-display ngayong summer.
BASKET AT CRATES BILANG ORGANIZER
Dahil nga kailangan nating mapanatiling organisado ang ating silid, isa sa magandang gamiting organizer ang basket o crates. Ang basket at crates ay maaaring gamitin upang paglagyan ng mga ilang gamit sa kuwarto gaya ng magasin, extra blanket, towel at kung ano-ano pa.
May iba’t ibang laki rin ng crates at basket na maaaring pagpilian.
BAGUHIN ANG PUWESTO O PAGKAKALAGAY NG MGA GAMIT
Isa rin sa nakapagpapaganda ng kuwarto ay ang pagbabago ng pagkakaayos ng mga gamit. Puwede mong ibahin ang puwesto ng upuan, table at kama nang maging kakaiba ito at bago sa paningin.
Maaari ring i-redecorate mo ang iyong bedside at alisin ang mga kalat doon.
Napakaraming paraan upang mapaganda natin ang ating silid ngayong summer na pasok sa budget. Kaya naman, simulan na ang pagdedekorasyon nang maging komportable at maibsan ang init na dala ng pabago-bagong panahon. (images source: bocadolo-bo.com, elledecor.com, digthisdesign.net)
Comments are closed.