SIMULA ngayong araw ay suspendido ang mandatoryong paggamit ng Beep cards para sa mga bus sa EDSA sa gitna ng mga reklamo sa halaga ng cards.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), lubha silang nalungkot sa pagtanggi ng AF Payments, Inc., ang provider ng automatic fare collection system (AFCS) sa EDSA Busway, na i-waive ang bayad sa beep card sa kabila ng kanilang mga pagsusumamo.
“We are saddened by the refusal of AF Payments, Inc., the provider of the automatic fare collection system (AFCS) at the EDSA Busway, to waive the cost of the beep card despite consistent pleas made by the government. This would have made a big difference to the commuters, mostly daily wage earners who are the most affected by the COVID-19 pandemic.”
Dahil dito paiiralin ang dual payment system para sa EDSA Busway passengers. Paliwanag ng ahensiya, puwede pa ring gumamit ng Beep card ang mga pasaherong mayroon na ng automated card.
Sa ngayon ay maghahanap umano ang EDSA Bus Consortia ng panibagong service provider na magbibigay konsiderasyon sa problema.
Magugunitang umapela ang DOTr sa kompanya na ipamigay nang libre ang Beep card sa mga hindi pa gumagamit na pasahero. VERLIN RUIZ
Comments are closed.