HINDI hinayaan ng San Miguel Beer na walisin sila sa series at itinarak ang 98-96 panalo kontra Bay Area sa kanilang PBA Commissioner’s Cup’s semifinals duel kagabi sa PhilSports Arena.
Tinampukan ni Simon Enciso ang kanyang 16-point, seven-assist performance sa isang clutch three na nagbigay sa SMB ng two-point lead bago inilatag nina Devon Scott at Jericho Cruz ang matinding depensa ng koponan sa huling 10 segundo na pumigil sa Bay Area na maitakas ang panalo.
Sa panalo ay tinapyas ng Beermen ang kalamangan ng Dragons sa best-of-five series sa 1-2, at ang mas mahalaga ay lumaki ang kumpiyansa ng defending champions na maitatabla nila ang series sa paglipat nito sa MOA Area sa Miyerkoles.
“The confidence na ibinigay sa amin, malaki ito,” wika ni SMB coach Leo Austria kasunod ng panalo na una ng kanyang tropa sa tatlong laro kontra guest team.
“This is an indication na Bay Area is beatable,” dagdag ni Austria.
Nakatulong din, aniya, ang maikling pregame speech. “I think I talked for not more than one minute… because I’ve already written down the things that might happen in the game and I allowed them to read it for three to five minutes and I’m so happy sumaksak sa isipan nila.”
Tumipa si Scott ng 25 points at 14 rebounds subalit ang pinakamahalaga niyang kontribusyon sa panalo ng Beermen ay ang pagpigil sa pagtatangka sa layup ni import Kobey Lam, may pitong segundo pa ang nalalabi.
“I think that was the winning block. Last time we got beaten by Kobey Lam. This time he did not allow it,” sabi ni Austria.
Sinundan ito ng pagsupalpal ni Cruz sa layup ni Hayden Blankley sa huling opensiba ng Bay Area
. Nagdagdag si June Mar Fajardo ng 21 points at game-high 16 rebounds bukod sa tatlong blocks.
“Nag-step up lahat. Marami pa kaming lapses pero mabuti nakuha namin ang panalong ito kasi kailangang-kailangan naming manalo, door-die kami,” ani Fajardo.
Sa kabila ng depensa ng Beermen, si Andrew Nicholson ay nagtapos pa rin na may 34 points at 14 rebounds habang nagdagdag si Zhu Songwei ng 17 points bago umalis sa laro na may injured right foot mula sa bad fall sa huling 10.8 segundo.
CLYDE MARIANO
Iskor:
San Miguel (98) -Scott 25, Fajardo 21, Perez 17, Enciso 16, Romeo 13, Lassiter 6, Ross 0, Cruz 0, Manuel 0, Brondial 0.
Bay Area (96) – Nicholson 34, Zhu 17, Liu 12, Lam 12, Blankley 10, Ju 6, Yang 5, Ewing 0. QS: 17-24, 43-47, 75-70, 98-96.