BEERMEN DUMIKIT SA KORONA

NAG-AGAWAN sa bola sina Bennie Boatwright ng San Miguel at Tyler Bey ng Magnolia sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup finals kagabi sa Araneta ­Coliseum. Kuha ni RUDY ESPERAS

Laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)

7:30 p.m. – Magnolia vs San Miguel

IBINALIK ni Jericho Cruz ang San Miguel sa unahan ng PBA Commissioner’s Cup finals sa kanyang three-point shooting makaraang pataubin ang Magnolia, 108-98, nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

Tumapos si Cruz na may 30 points sa 8-of-14 mula sa threes sa isang bench role upang pangunahan ang Beermen sa panalo matapos matalo sa huling dalawang laro ng championship series.

Ipinasok din ni Cruz ang dagger para sa San Miguel, isinalpak ang isang tres mula sa right corner, may  51.9 segundo ang nalalabi, para ma-lneutralize ang late run ng Magnolia.

Maaaring selyuhan ng Beermen ang kanilang ika-29 PBA crown sa  Game 6 sa Miyerkoles sa  Big Dome.

Malaking salik si Cruz nitong Linggo, ilang araw makaraang hindi maglaro sa Game 3 ng finals dahil sa automatic one-game suspension sa pagtamo ng kanyang ika-5 technical foul sa conference.

Ibinuslo rin ni Simon Enciso ang kanyang three pointers sa first quarter ng Game Five, nag-ambag ng 15 points sa limang tres sa starting job para sa Beermen.

CLYDE MARIANO