BEERMEN, HOTSHOTS SASALANG NA

beermen, hotshots

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Magnolia vs Alaska

7 p.m. – San Miguel vs NorthPort

MATAPOS ang tatlong linggong pahinga mula sa matagumpay na pagdepensa sa  Philippine Cup crown kontra sister team Magnolia, magbabalik ang Beermen para ipagpatuloy ang kanilang title campaign sa pagsagupa sa NorthPort sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Arenata Co­liseum.

Nakatakda ang bakbakan ng Beermen at Batang Pier sa alas-7 ng gabi kasunod ng salpukan ng Hotshots, na sasalang din sa unang pagkakataon, at Alaska Aces sa alas-4:30 ng hapon.

Angat ang SMB dahil lamang ito sa tao at walang katapat si five-time MVP June Mar FaJardo sa low-post at versatile ang kanilang import na si Chrales Rhodes at tiyak mahihirapan si NorthPort counterpart Prince Ibeh sa kanilang match-up.

Bagama’t dehado ay tiwala naman si NorthPort coach Pido Jarencio sa kanyang tropa para mapanatili ang kanilang winning ways.

Ipinakita ng Batang Pier ang kanilang lakas nang gibain ang outstanding favorite Talk  ‘N Text bago natalo sa defending chapion Barangay Ginebra.

Muling pangungunahan ni Fajardo ang opensiba ng SMB, katuwang ang deadly quartet nina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Ross at Arwind Santos.

Babantayan din ng 6’9 behemoth ang shaded lane, kasama sina ­Filipino-German Christian Standhardinger at 6’6  Yancy de Ocampo.

Dahil walang katapat si Fajardo, mala­king problema ni coach  Jarencio kung paano ma-neutralize ang SMB center.

“We cannot stop Fajardo from scoring, at least to limit his output with double teaming defense, and Prince Ibeh should find a way out to score and neutralize hims,” sabi ni Jarencio na hanggang ngayon ay bigo pa ring masungkit ang titulo.

Hindi rin maaaring balewalain ni Magnolia coach Chito Victolero ang Alaska  dahil malakas ito at kilala bilang defensive team, at gustong makakalas sa three-way tie sa TNT at Meralco sa 2-2. CLYDE MARIANO

Comments are closed.