BEERMEN, KINGS AGAWAN SA 2-1

PBA-KINGS-VS-BEERMEN

Laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

7 p.m. – Ginebra vs San Miguel Beer (Game 3)

MATAPOS magtabla sa 1-1, mag-aagawan ang defending Commissioner’s Cup champion San Miguel Beer at sister team Barangay Ginebra sa 2-1 bentahe sa Game 3 ng kanilang best-of-seven title series ngayon sa Araneta Coliseum.

Magtutunggali sa alas-7 ng gabi ang Beermen at Kings na kapuwa determinadong kunin ang krusyal na panalo.

“I expect another exciting and interesting game between the league’s two most popular teams. I am pretty sure PBA fans will enjoy watching the game,” sabi ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Tinambakan ng Barangay ­Ginebra ang SMB sa Game 1, 127-99,  at rumesbak ang Beermen sa Game 2 sa pamamagitan ng isa ring blowout win, 134-109, kung saan kumana si team captain Alex Cabagnot ng 33 points at 9 rebounds.

Muling magsusukatan ng lakas sina SMB import Renaldo Balkman at Ginebra counterpart Justine Brownlee, gayundin sina big men sina June Mar Fajardo at Filipino-German Christian Karl Standhardinger laban sa twin tower nina Japeth Aguilar at Greg Slaughter sa shaded area.

Nasa Beermen ang momentum at tiyak na sasamantalahin ito ni coach Leo Austria laban sa tropa ni coach Tim Cone na iniinda pa ang sakit ng tambak na pagkatalo sa Game 2.

“The momentum is on our side. We will take the advantage to the hilt and seize the initiative and strengthen our title retention bid,” sabi ni Austria.

“Though we enjoy the momentum, I will not be complacent and go wishy-washy  because Barangay Ginebra is strong and capable of bouncing back,” wika ng beteranong bench tactician.

Nananatili namang matatag si Cone at  umaasang makababawi sila sa Game 3.

“We reviewed and studied where we failed in Game 2. We made correction and necessary adjustment to prevent another defeat,” sambit ni Cone.

Aalalay kay Balkman ang locals na sina Cabagnot, Fajardo, Standhardinger,  Arwind Santos, Marcio Lassiter at Chris Ross habang susuporta naman sina LA Tenorio, Sol Mercado, Scottie Thompson, Kevin Ferrer, Joe Devance at  Japeth Aguilar kay Brownlee.  CLYDE MARIANO

Comments are closed.