BEERMEN, KINGS IKAKASA ANG SEMIS

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)

4 p.m. – Rain or Shine vs San Miguel

8 p.m. – NorthPort vs Ginebra

SISIKAPIN ng Barangay Ginebra at sister team San Miguel Beer na samahan ang Magnolia sa semifinals sa magkahiwalay na laro sa PBA Commissioner’s Cup quarterfinals ngayong Biyernes sa Philsports Arena sa Pasig.

Kapwa armado ng twice-to-beat bonus, haharapin ng Beermen ang Rain or Shine Elasto Painters sa unang laro sa alas-4 ng hapon habang sasagupain ng Gin Kings ang NorthPort Batang Pier sa alas-8 ng gabi.

Working their butts out to secure the same advantage, the Barangay Ginebra Kings take their turn to shoot for that quick semis entry on Friday, tangling with the sixth-ranked NorthPort Batang Pier at the PhilSports Arena.

Gagawin ng Gin Kings ang lahat para malusutan ang Batang Pier at lumapit sa kanilang layinin na maidepensa ang korona na kanilang napanalunan laban sa Bay Area Dragons noong nakaraang taon.

Batid ni coach Tim Cone at ng kanyang tropa na walang madaling laro sa playoffs.

At determinado silang magwagi laban sa NorthPort side na laging mapanganib sa paghahangad na makopo ang breakthrough feat.

Ang Batang Pier ay hindi pa umuusad sa semis magmula noong 2019 Governors’ Cup.

Subalit ang NorthPort ay nagbagong bihis sa ilalim ni  coach Boni Tan.

Si Tan ay may mahusay na import sa katauhan ni Venky Jois, na may averages na 24.5 points at 15.2 rebounds, 5.0 assists, 2.1 blocks at 1.8 steals, na napaliligiran ng locals na handang magbigay ng kanilang kontribusyon.

Nariyan ang kanilang top gun na si Arvin Tolentino na may averages na 22.3 points kada laro, gayundin si  Joshua Munzon na may solid numbers (12.5 points, 2.9 rebounds, 3.3 assists at  2.4 steals).

At maaasahan din nila sina Paul Zamar, Cade Flores, JM Calma, Fran Yu at Brent Paraiso.

Samantala, pader ang babanggain ng Rain or Shine sa powerhouse San Miguel Beer, subalit hindi ito nangangahulugan na hindi lalaban si  coach Yeng Guiao at ang kanyang seventh-ranked Elasto Painters para ibasura ang win-once advantage ng second-seeded Beermen.

“‘Pag nadisgrasya mo iyan ng minsan baka ma-pressure na sa susunod,” sabi ni Guiao at idinagdag na, “Ang hirap lang i-rattle ng San Miguel, mas beterano sila sa amin.”

Bukod dito, aminado si Guiao na mahihirapan ang kanyang tropa na gibain ang high-octane offense ng SMB na tinatampukan ng ilang dalubhasang locals, subalit pangunahing nakasentro kina June Mar Fajardo at  Bennie Boatwright.

“Malaking problema talaga si June Mar at saka si Boatwright. I think their combination is, I wouldn’t say unguardable, but parang version sila ni Arwind and June Mar. Only Boatwright is probably a better shooter and a bigger player who can also post up,” dagdag pa ni Guiao.

CLYDE MARIANO