Mga laro bukas:
(Philsports Arena)
3 p.m. – Bay Area vs Rain or Shine
5:45 p.m. – Magnolia vs Phoenix
DINISPATSA ng San Miguel ang Converge, 114-96, sa pagsisimula ng kanilang PBA Commissioner’s Cup quarterfinals duel kahapon sa PhilSports Arena.
Nagbuhos si CJ Perez ng 25 points upang pangunahan ang balanced attack kung saan apat sa starters ng SMB ang tumapos sa double figures sa larong umabante sila ng hanggang 31 points bago magaan na pinigilan ang paghahabol ng FiberXers sa fourth quarter.
Sa huli ay nakaganti ang Beermen sa parehong koponan na tumalo sa kanila, 102-106, sa kanilang nag-iisang elimination round meeting noong nakaraang Oct. 21 at nakauna sa best-of-three match-up.
Kumamada si Devon Scott ng 23 points, 12 rebounds at 5 assists habang nagdagdag si Jun Mar Fajardo, lumiban sa kanilang unang paghaharap dahil sa injury, ng 19 points, 16 rebounds, at 3 steals.
“It’s just the gelling of the team. The best part about it is everybody’s healthy now, everybody’s contributing, everybody’s doing their job,” wika ni Jorge Gallent, chief deputy to head coach Leo Austria.
“It’s so nice to have a healthy team,” dagdag ni Gallent. “Now we’re healthy and the gelling is there. We’ve been doing a great job sharing the ball and going to the right places.”
Nagdagdag si Marcio Lassiter ng 11 points habang gumawa lamang si Simon Enciso ng 8 points ngunit nagbigay ng career-high-tying 10 assists bago na- eject para sa kanyang ikalawang technical foul, wala nang pitong minuto ang nalalabi sa laro.
Nagbanta ang Converge nang makuha ni Quincy Miller ang kanyang scoring rhythm at pumutok ang FiberXers mula sa deep kung saan isang tres ni Aljun Melecio ang naglapit sa kanila sa 87-98, sa kalagitnaan ng fourth quarter.
Subalit nagtuwang sina But Scott, Fajardo at Perez para sa 14-5 counter na nagselyo sa kanilang panalo, may 2:24 sa orasan.
CLYDE MARIANO
Iskor:
San Miguel (114) – Perez 25, Scott 23, Fajardo 19, Romeo 13, Lassiter 11, Enciso 8, Tautuaa 6, Ross 5, Cruz 4, Brondial 0.
Converge (96) – Miller 41, Melecio 11, Arana 11, Tratter 10, Ahanmisi 7, Teng 5, DiGregorio 5, Ilagan 4, Stockton 2, Bulanadi 0, Tolomia 0, Racal 0, Ambohot 0.
QS: 21-13, 55-32, 88-65, 114.