BEERMEN NAKA-2 NA

BUTATA kay June Mar Fajardo ng San Miguel Beer si Magnolia import Tyler Bay sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup finals kagabi sa MOA Arena. Kuha ni RUDY ESPERAS

Laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)

7:30 p.m. – San Miguel vs Magnolia
(Game 3)

SA PAGKAKATAONG ito ay hindi hinayaan ng San Miguel ang Magnolia na makahabol at ipinoste ang  109-85 panalo sa Game 2 ng kanilang best-of-seven PBA Commissioner’s Cup finals series kagabi sa Mall of Asia Arena.

Kinuha ng Beermen, na halos masayang ang double-digit lead bago nagwagi sa Game 1 noong nakaraang Biyernes, ang 2-0 series lead upang lumapit ng dalawang hakbang sa kampeonato.

Nagpakawala ang San Miguel ng 11 triples sa first half pa lamang, lima rito ay nagmula kay import Bennie Boatwright, kung saan kinuha nila ang 79-58 kalamangan.

Magmula rito ay hindi na lumingon pa ang tropa ni head coach Jorge Gallent sa kabila ng comeback attempt ng Hotshots sa  fourth quarter.

Bumanat ang Magnolia, na piniling ipasok ang kanilang second at third units sa huling bahagi ng laro, ng 9-0 run, sa pangunguna ni import Tyler Bey upang tapyasin ang deficit sa 17.

Subalit sumagot ang Beermen ng 7-0 run, tampok ang triple ni Boatwright upang palobohin ang bentahe sa 93-69 bago sinelyuhan ni seven-time MVP June Mar Fajardo ang panalo sa pares ng three-pointers.

CLYDE MARIANO