BEERMEN NALUSUTAN ANG DYIP

Mga laro sa Miyerkoles:

(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. – Blackwater vs  Rain or Shine

7 p.m. –  San Miguel vs NorthPort

NAPIGILAN ng San Miguel Beer ang Columbian sweep ngayong season sa pamamagitan ng come-from-behind 113-107 win sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

tPumutok si import Dez Wells sa krusyal na sandali at tumapos na may 39 points, 9 rebounds, 5 assists, at 2 blocks para sa Beermen na uma­ngat sa 5-1 kartada para makatabla ang NLEX sa No. 2 spot, sa likod ng wala pang talong Talk ‘N Text na may imakuladang 7-0 marka.

Bagama’t nakopo ng Beermen ang unang dalawang kampeonato ngayong season, ang Dyip ang naging tinik sa kanilang lalamunan kung saan namayani ito sa kanilang dalawang engkuwentro ngayong taon.

Ngayong conference ay tila madodominahan ulit ng Columbian ang San Miguel makaraang umabante sa 91-82, may 8 minuto ang nalalabi sa final quarter.

Ngunit sumagot ang Beermen ng 27-6 run – 12 points mula kay Wells – upang kunin ang 109-97 bentahe at hindi na lumi­ngon pa.

“We played really hard to win. We consolidated our efforts and pulled our resources. I’m happy, we did it in the face of strong opposition,” sabi ni Wells na   pinalitan si Charles Rhodes.

Tumipa si June Mar Fajardo ng 19 points, kabilang ang 9 sa fourth quarter, at kumalawit ng 13 rebounds,  habang nag-ambag sina Alex Cabagnot ng 15 points at Arwind Santos ng 10 points, 6 rebounds, at 4 blocks.

Nagparamdam si new acquisition Mo Tautuaa, na hinugot mula sa NorthPort kapalit ni Christian Standhardinger noong nakaraang linggo, para sa San Miguel sa kinamadang 10 points at 5 rebounds mula sa bench.

Nalasap ng Dyip ang ika-4 na kabiguan sa pitong asignatura.

Iskor:

San Miguel (113) – Wells 39, Fajardo 19, Cabagnot 15, Romeo 12, Santos 10, Tautuaa 10, Ross 5, Pessumal 3, Lassiter 0, Nabong 0.

Columbian (107) – Alston 38, Perez 18, Tiongson 18, McCarthy 17, Corpuz 12, Agovida 2, Gabayni 2, Celda 0, Cahilig 0, Calvo 0.

QS: 28-26, 51-52, 76-82, 113-107.

Comments are closed.