BEERMEN ‘OLAT’ NA NAMAN

VIC MANUEL

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m.- Rain or Shine vs GlobalPort

6:45 p.m. – Ginebra vs Phoenix

SINIRA ni Vic Manuel ang pagbabalik ni Renaldo Balkman sa PBA nang kumana ng  buzzer-beater upang ihatid ang Alaska sa 105-103 panalo laban sa San Miguel sa Commissioner’s Cup kahapon sa  Lamberto Macias Gymnasium sa Dumaguete City.

Umabante ang Alaska ng hanggang 23 points, subalit binaligtad ni Balkman ang pangyayari para sa Beermen at naitabla ang ta-laan sa 103-103, ilang segundo na lamang ang nalalabi.

Subalit bumanat si Manuel, tumapos na may 23 points, ng game winner upang ipalasap sa Beermen ang ikatlong sunod na kabi-guan at manatiling walang panalo.

Samantala, maghaharap ang Barangay Ginebra at Phoenix, habang magsasagupa ang Rain or Shine at GlobalPort sa pagbabalik ng laro ngayon  sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang ­duelo ng Kings at Fuel Masters sa alas-6:45 ng gabi matapos ang salpukan ng Elasto Painters at Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon.

Sisikapin ng Kings na masundan ang 105-91 panalo laban sa Blackwater Elite noong Mayo 11.

Tulad sa laro kontra Elite, pipilitin ng Kings na magamit ang kanilang laki at lumikha ng ‘mismatches’ laban sa Fuel Masters.

Iskor:

Alaska (105) – Manuel 23, Casio 18, Banchero 15, Campbell 13, Abueva 13, Racal 7, Thoss 4, Exciminiano 3, Teng 2, Pascual 0, Baclao 0.

San Miguel (103) – Balkman 32, Lassiter 20, Santos 12, Fajardo 7, Lanete 6, Cabagnot 4, Ross 0, Rosser 0, Heruela 0.

QS: 28-20, 57-43, 81-72, 105-103

One thought on “BEERMEN ‘OLAT’ NA NAMAN”

Comments are closed.