Mga laro bukas:
DHVSU Gym, Bacolor,
Pampanga
3 p.m.- Meralco vs Magnolia
6 p.m. – San Miguel vs TNT
ISINALPAK ni Marcio Lassiter ang game-winning basket para sa 98-96 panalo ng San Miguel Beermen laban sa TNT Tropang Giga sa Game 2 ng kanilang best-of-seven semifinal series sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.
Tabla ang laro sa 96-all, may anim na segundo ang nalalabi sa laro, ipinasok ng laging maaasahang guard ang layup upang ipatas ng Beermen ang serye sa 1-1.
Tumapos si Lassiter na may 7 points at 8 rebounds habang pinangunahan ni Terrence Romeo ang atake ng Beermen na may 26 markers, 24 dito sa second half, at 4 assists.
Tumipa si RR Pogoy ng 21 points habang nagdagdag sina Poy Erram at rookie Mikey Williams ng 21 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.
Mainit na sinimulan ng TNT ang laro sa pagposte ng double-digit lead sa second period matapos ang three-pointer ni Pogoy, 40-26. Sa kabila ng 19-point outburst ni June Mar Fajardo sa first half pa lamang, abante ang TNT sa 53-46 papasok sa half time.
“Drained na kami, pero hindi talaga matatawaran ang puso ng mga players namin. It’s pure heart and determination,” wika ni San Miguel coach Leo Austria.
“‘Yun ‘yung character ng team; kahit anong sitwasyon, hindi bumibitiw,” pahayag ni Romeo, ang naging sandigan ng San Miguel sa paghabol sa 20 point deficit sa third period.
Bagama’t galing sa injury ay nagtala si Romeo ng 10-of-22 mula sa field at kumalawit din ng 4 rebounds at nagbigay ng 3 assists sa 27 minutong paglalaro mula sa bench.
“Medyo up and down ako galing sa dalawang injuries this conference. I’m trying to maintain kung ano ang pwedeng gawin, and thank God, unti-unting bumabalik (ang laro ko),” ani Romeo.
Nakalikom si June Mar Fajardo ng 22 points at 10 rebounds, habang nag-ambag si Alex Cabagnot ng 14 markers.
“That’s the sense of urgency on Marcio’s part. We’re lucky he’s there at the right place at the right time,” sabi ni Austria.
Sa ikalawang laro, sinandigan ni Paul Lee ang Magnolia Hotshots sa 92-78 panalo kontra Meralco Bolts sa Game 2 ng kanilang best-of-seven semifinal series.
Sa panalo ay tangan ngayon ng Hotshots ang 2-0 series lead matapos ang 88-79 win sa Game 1 noong Linggo. CLYDE MARIANO
Iskor:
Unang laro
SMB (98) – Romeo 26, Fajardo 22, Cabagnot 14, Santos 11, Tatuaa 8, Perez 8, Lassiter 7, Ross 2, Pessumal 0, Zamar 0, Got-ladera 0, Comboy 0, Gamalinda 0, Sena 0.
TNT (96) – Pogoy 21, Erram 20, Rosario 14, Williams 12, Marcelo 9, Castro 8, Heruela 5, Montalbo 3, Reyes 2, Khobuntin 2, Ex-ciminiano 0, Alejandro 0,Javier 0, Mendoza 0.
QS: 23-31, 46-53, 67-82, 98-96.
Ikalawang laro
Magnolia (92) – Lee 28, Sangalang 16, Abueva 11, Dela Rosa 8, Melton 6, Reavis 6, Corpuz 4, Jalalon 4, Barroca 4, Dionisio 3, Pascual 2, Brill 0, Ahanmisi 0, De Leon 0, Capobres 0.
Meralco (78) – Newsome 18, Pinto 12, Hugnatan 12, Belo 7, Quinto 7, Maliksi 7, Almazan 6, Caram 4, Hodge 3, Jose 2, Jackson 0, Black 0, Pasaol 0, Baclao 0, Jamito 0.
QS: 13-13, 38-36, 64-58, 92-78.
Comments are closed.