BEERMEN SA ‘FINAL 4’

Beermen

Laro bukas:

(Araneta Coliseum)

7 p.m. –  Blackwater vs Rain or Shine

NAGBUHOS si Chris McCullough ng 31 points, kabilang ang game-winning basket, at nalusutan ng San Miguel Beer ang mainit na paghahabol ng NorthPort upang maitakas ang 90-88 panalo at umusad sa 2019 PBA Commissioner’s Cup semifinals.

Sinamahan ng Beermen ang sister team at defending champion Barangay Ginebra sa semis.

Nalusutan ng Beermen, seeded No. 7, ang twice-to-beat handicap upang magmartsa sa susunod na round kung saan makakasagupa nila ang magwawagi sa Blackwater-Rain or Shine series sa Huwebes sa Araneta Coliseum.

Umiskor si McColough ng apat na puntos sa huling 24 segundo at  kumalawit ng krusyal na defensive rebound sa sablay ni Moala Tautuaa upang pangunahan ang panalo ng Beermen.

Tinalo ni McCo­lough si Prince Ibeh, na tumipa ng 15 points, sa una nilang paghaharap matapos na palitan si Charles Rhodes.

“Breaks of the game. They played with pride,” sabi ni SMB coach Leo Austria makaraang makaganti sa NorthPort na tumalo sa kanila sa elimination round.

Nag-relax ang SMB matapos na lu­mamang nang malaki at muntik pang masilat kung hindi sa late heroics ni McColough, na muling itinanghal na ‘Best Player of the Game’.

Sa pagkatalo sa SMB sa quarterfinals sa kabila na may twice-to-beat edge ay muling nabigo sa coach Pido Jarencio sa kanyang hangaring mapabilang sa elite club of champion.

“We really wanted to win but breaks went against us in the dying seconds,” pailing na sinabi ni Jarencio.

Nag-ambag sina Marcio Lassiter ng 11 points at Alex Cabagnot at Arwind Santos ng tig-10 points para sa Beermen.  CLYDE MARIANO

Iskor:

San Miguel (90) – McCullough 31, Lassiter 11, Cabagnot 10, Santos 10, Fajardo 8, Standhardinger 8, Romeo 5, Pessumal 3, Ross 2, Rosser 2.

NorthPort (88) – Lanete 22, Tautuaa 20, Ibeh 15, Bolick 13, Anthony 10, Taha 4, Elorde 2, Ferrer 2, Mercado 0, Cruz 0.

QS: 21-27, 43-39, 72-62, 90-88

Comments are closed.