BEERMEN SA Q’FINALS

BEERMEN

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Alaska vs Blackwater

6:45 p.m. – Ginebra vs Columbian

NALUSUTAN ng San Miguel ang Rain or Shine, 89-87, upang kunin ang isang puwesto sa quarterfinals sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Xavier University Gym sa Cagayan de Oro City.

Nagsanib-puwersa sina import Chris McCullough at June Mar Fajardo sa endgame upang tulungan ang Beermen na maitala ang ikatlong sunod na panalo at umangat sa 5-5.

Kumana si McCullough, may team-highs na 24 points, 17 rebounds, 5 blocks, at 4 rebounds, ng back-to-back spectacular plays sa pagsalpak ng isang triple bago pinasahan  si Fajardo para sa two-handed jam na nagbigay sa San Miguel ng 89-82 kalamangan.

Subalit hindi nasiraan  ng loob ang Rain or Shine at nagawang tapyasin ang deficit sa 2 points mula sa three-pointer ni Javee Mocon at pares ng free throws ni Carl Montgomery, may 10 se­gundo ang nalalabi.

Sa sumunod na tagpo ay naipuwersa ng Elasto Painters ang sablay na tira ni McCullough upang mabawi ang ball possession, subalit nagmintis si Beau Belga sa dapat sana’y game-winning trey sa buzzer.

Nag-ambag si Fajardo ng 23 points, 15 rebounds, at 3 blocks, habang gumawa si Terrence Romeo ng 13 points mula sa bench para sa Beermen, na katabla ngayon ang Magnolia sa ika-5 puwesto.

Tumapos si Mocon na may 20 points, 8 rebounds, at 5 assists, habang tumipa si Montgomery ng 18 points, 13 rebounds, 2 blocks, at 2 steals, subalit hindi ito sapat upang maitakas ang panalo para sa Rain or Shine na tinapos ang elimination round na may 5-6 kartada.

Iskor:

San Miguel (89)  – McCullough 24, Fajardo 23, Romeo 13, Ross 7, Santos 7, Cabagnot 6, Pessumal 3, Lassiter 3, Nabong 3, Ganuelas-Rosser 0.

Rain or Shine (87) – Mocon 20, Montgomery 18, Nambatac 11, Borboran 9, Daquioag 7, Ponferada 5, Belga 5, Norwood 4, Onwubere 3, Torres 3, Rosales 2.

QS: 14-18, 47-44, 63-67, 89-87

Comments are closed.