BEERMEN SILAT SA BATANG PIER

Nico-Elorde

Mga laro bukas:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. – Meralco vs Blackwater

7 p.m. – NLEX vs Alaska

NAGING sandigan ng GlobalPort si Nico Elorde upang maitakas ang 98-94 panalo laban sa paboritong San Miguel Beer sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.

Binasag ni Elorde ang huling pagtatabla, 92-92, sa kanyang winning triple at kumalawit ng krusyal na defensive rebound sa sa-blay na tres ni Chris Ross upang  iposte ng Batang Pier ang unang panalo kontra Beermen.

“We never beat SMB and this time we made it,” masayang pahayag ni coach Pido Jarencio.

“Nikko’s three-point shot was the key. I’m glad he made it. This time, he played the hero,” paha­yag ni Jarencio patungkol sa 26-anyos na anak ni Johnny Elorde at  apo ni boxing legend Gabriel ‘Flash’ Elorde.

Tumawag si SMB coach Leo Austria ng huling timeout at ikinasa ang final offensive.  Su­balit  sumablay ang game tying tres ni Ross at inangkin ng GlobalPort ang malaking panalo sa gulat ng SMB suppor­ters.

Tumipa si Elorde ng anim na puntos sa fourth quarter at ang kanyang tres ang nagbigay ng panalo sa Batang Pier.

“It was a split second decision and I’m happy, I made it,” sabi ni Elorde.

Marami ang nagulat sa panalo ng Batang Pier dahil malalim ang bench ng Beermen.

Dinomina ng SMB, ang reigning Philippine Cup champion, ang ­unang tatlong yugto su­balit biglang bumigay sa dying seconds. CLYDE MARIANO

Iskor:

GlobalPort (98)  – White 25, Pringle 22, Anthony 11, Guinto 9, Tautuaa 8, Grey 7, Elorde 6, Teng 3, Nabong 3, Sargent 2, Javelona 2.

San Miguel (94) – Balkman 33, Fajardo 20, Cabagnot 19, Santos 10, Lassiter 6, Santos 6, Rosser 0, Heruela 0, Pessumal 0, Standhardinger 0.

QS: 23-27, 47-51, 71-79, 98-94

Comments are closed.