BEERMEN SILAT SA DYIP

DYIP-2

Mga laro ngayon:

(Ynares Center-Antipolo)

4:30 p.m. – Meralco vs Blackwater

6:45 p.m. – TNT vs Phoenix

NAGPASABOG si top overall pick CJ Perez ng 26 points upang pangunahan ang Columbian Dyip sa im-presibong 124-118 panalo laban sa defending Philippine Cup champion San Miguel Beer kagabi sa Cuneta Astrodome.

Humablot din si Perez ng limang rebounds at nag-ambag si Jackson Corpuz ng 21 points, 11 rebounds at tatlong assists para sa Dyip.

Malaki ang ekspektasyon ng koponan kay Perez at hindi naman ito binigo ng star player ng Lyceum University of the Philippines Pirates at back-to-back NCAA MVP.

“I have to play my best because my team has high expectation on me. I’m happy, I made it in my debut,” ma-sayang pahayag ni Perez.

Sa panalo ay sumosyo ang Columbian sa maagang liderato sa Barangay Ginebra, NorthPort  at Phoenix na may 1-0 kartada.

Dinomina ng Columbian ang laro at hindi bumigay sa pressure sa SMB sa lungkot ni coach Leo Austria.

Lamang ang SMB sa 112-110,  sa back-to-back 3-point shot ni Arwind Santos sa huling tatlong minuto, subalit hindi nasiraan ng loob ang Car Assemblers at rumatsada, sa pamumuno nina Perez, Corpuz at Reyes, Mcarthy tungo sa malaking panalo.

“Sabi ko sa mga player ko, kailangan pag-igihan ang laro at maglaro as a team dahil ang kalaban ay defending champion at isa sa pinakamalakas na koponan sa liga,” sabi ni coach Johnedel Cardel. CLYDE MARIANO

Iskor:

Columbian (124) – Perez 26, Corpuz 21, Celda 15,  Reyes 12, Camson 11, Escoto 11, McCarthy 8, Agovida 8, King 7, Calvo 3, Cahilig 2, Khobuntin 0, Faundo 0, Gabriel 0.

San Miguel (118) – Santos 34, Lassiter 25, Fajardo 16, Cabagnot 12, Nabong 11, Romeo 7, Standhardinger 6, Zamar 3, Ross 2, Pessumal 2, Tubid 0.

QS: 24-27, 51-54, 85-86, 124-118

Comments are closed.