BEERMEN SOLO LEADER

Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – Rain or Shine vs Meralco
6 p.m. – Terrafirma vs Ginebra

SUMANDAL ang San Miguel Beer sa pananalasa sa fourth quarter, sa pangunguna ni Robbie Herndon, upang maitakas ang 122-106 panalo kontra NorthPort at kunin ang solong liderato sa PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Nakuha sa pre-season trade mula sa Converge, si Herndon ay nagpakawala ng 11 sa kanyang 21 points sa final canto upang sindihan ang 40-24 exchange na nagbigay-daan sa ikatlong sunod na panalo ng Beermen at sa 6-1 record sa kabuuan.

Nakipagsanib-puwersa si Herndon kina fellow gunner Marcio Lassiter at backup playmaker Paul Zamar sa pagbibigay sa Beermen ng 111-90 bentahe matapos magtabla ang talaan sa 82-82 makalipas ang tatlong quarters.

Tumapos si Lassiter na may 18 at nagdagdag si Zamar ng 15 upang suportahan sina June Mar Fajardo (21-9-3), CJ Perez (17-9-12) at Jericho Cruz (12) sa 16 puntos na panalo kontra Robert Bolick-less NorthPort crew na nalasap ang ika-5 sunod na kabiguan matapos ang 2-0 simula.

Sinira ng Beermen ang career milestone na natamo ni Batang Pier veteran Arwind Santos, na sa 25 markers ay naging ika- 17 sa kasaysayan ng PBA na umiskor ng 10,000 points.

Nagdagdag si Roi Sumang ng 20 para sa NorthPort, na pinunan ang puweto ni Bolick na na-sideline dahil sa ankle injury na natamo sa kanilang pagkatalo sa TNT noong nakaraang Miyerkoles.

Ito ang pinakamagandang laro ni Herndon buhat nang umanib sa SMB.

“I came to the team a little late so I had to fast-track the process of getting accustomed to my new teammates and the system. Nothing comes overnight so I just stayed patient, stayed positive. I knew eventually I’ll be able to play my game for SMB,” sabi ni Herndon. CLYDE MARIANO

Iskor:
San Miguel Beer (122) – Herndon 21, Fajardo 21, Lassiter 18, Perez 17, Zamar 15, Cruz 12, Enciso 7, Brondial 6, Faundo 3, Pessumal 2, Canete 0.
NorthPort (106) – Santos 25, Sumang 20, Calma 14, Balanza 12, Malonzo 10, Dela Cruz 8, Ayaay 8, Javier 4, Ferrer 3, Apacible 2, Vigil 0, Subido 0.
QS: 25-29, 55-55, 82-82, 122-106