BELA PADILLA, QUEEN OF HEARTS PA RIN NG VIVA

HEARTFULLY

KAHIT naka-base na sa London si Bela Padilla, ang tinaguriang ng Viva as the Philippine Cinema’s Queen of Hearts, dahil sa mga ginawa niyang pelikulang may ‘hugot’ from the heart tulad “100 Tula Para kay Stella”, “Meet Me in St. Gallen” at “Of Vodka and Beers.”

First directorial job niya ang ‘366’ na pinagbibidahan niya mismo kasama sina Zanjoe Marudo at JC Santos. Aktibo si Bela sa promo.

Bakit kaya ‘366’ ang napili niyang title ng kanyang pelikula? Bakit hindi hugot title kung saan siya nakilala ng husto?

“It is set kasi in a leap year kaya 366. I’m just amazed at the concept of having an extra day in a leap year. The movie is a labor of love for me and my co-stars. We shot some scenes in Turkey with cinematographer Pao Orendain capturing the beauty of the place. The film is a joint effort of many talents and I felt the universe is always conspiring to give us the best possible options while we’re filming it, sa locations and even the people we work with,” say ni Bela.

Mas tutok raw siya ngayon sa pagiging director , pero first and formost ay isa siyang actress. Kung nagsusulat man daw siya, coincidental lamang ito.

ELISSE JOSON FOREVER NI MCCOY DE LEON

Ngayong may sarili nang pamilya si McCoy de Leon, gusto raw niyang malaman ni Elisse Joson na siya at ang kanilang anak na si Felize ang kanyang forever.

“Si Elisse, gusto niya palaging best para sa kanyang family. Gusto niya lahat mabigyan ng time, kasiyahan. Ayaw niyang may male-left behind. Nakita ko siya as girlfriend ko and now as a mother. When she’s at home, makikita mo ‘yung priority niya. Si baby Felize. Wala akong masabing kulang. Wala rin akong masabing sobra. Sobrang perfect ni Elisse para sa naging anak namin. Thankful ako kay Lord dahil mayroon akong pamilya, mayroon akong partner na tulad ni Elisse at anak tulad ni Felize,” ang say pa rin ni McCoy.

MARICEL LAXA, BIDA NA SA NEXT PROJECT SA SIETE

UNANG seryeng sinabakan ni Maricel Laxa sa Kapuso Network ang “Mano Po: The Legacy” kung saan napakaganda ng ratings hangggang matapos. Halos araw lang ang binilang, may bagong offer si Maricel, ang maging lead actor para sa sa seryeng “Apoy Sa Langit” kung saan ay makakasama niya sina Zoren Legaspi, Mikee Quintos, Lianne Valentin, Ramon Christopher, Mariz Ricketts, at marami pang iba.

Mixed emotions ang nadama ng beteranang aktress sa muling pagpasok niya sa isang lock-in tapings. Masaya na may kasamang lungkot.

“Missing my family while locked in our Teleserye bubble,” ang saad sa caption ni Maricel sa isang larawan na pinost sa social media account. Sa kabila ng kalungkutan ay bumawi naman si Maricel sa isa pa niyang post kung saan ay excitement naman ang dating nito sa mga netizens. “Grateful for the opportunity to work and grow. Excited to share with you what we have been working on,” dagdag pang say ni Maricel.