BULACAN – HINANGAAN ang Belen o Nativity Scene ng San Jose del Monte City na nilahukan ng 2,101 katao kaya naman pasok na ito sa Guinness Book of World Record.
Pahayag ni GBWR adjudicator Swapmill Mahesh Dangarikar na “officially amazing” ang nativity scene na napanood noong Disyembre 20.
Bunsod nito, nasungkit ng lugar ang Guiness World Record para sa “most number of living figures in a nativity scene.”
Nahigitan nito ang dating record holder ng United Kingdom na mayroong 1,254 na kataong lumahok.
Ayon kay San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Rida Robes, katuparan ito sa hiling ni Pope Francis na palaganapin ang kabanalan ng nativity sa mundo.
Nagpasalamat naman si Mayor Arthur Robes sa lahat ng sumuporta para maging matagumpay ang aktibidad.
Gumanap sa nativity scene ang mambabatas bilang Birheng Maria habang ang alkalde naman ay si Joseph.
Hawak na rin ng SJDM ang record bilang Largest Lantern Parade in the World. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.