BELLO, NAG-APLAY SA OMBUDSMAN POST

NAIS ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na magiging susunod na Ombudsman, kapalit ni Conchita Carpio Morales na nakatakda nang magretiro sa posisyon sa Hulyo 26.

Si Bello, na naging dating kalihim ng Department of Justice (DOJ) at Solicitor General noong panahon ng administrasyong Ramos, ay nagsumite ng aplikasyon para sa Ombudsman post.

Bukod sa pagiging kalihim ng DOLE, si Bello rin ang kasalukuyang in-charge sa pakikipag-negosasyon sa mga komunistang rebelde sa usapang pangkapayapaan sa Mindanao.

Matatandaang noong Marso ay binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa magiging susunod na Ombudsman, dahil sa nalalapit nang pagreretiro ni Morales, na naitalaga sa posisyon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong 2011.

Ang JBC ang  nag-i-screen ng mga aplikante para sa posisyon sa Office of the Ombudsman at siyang gagawa ng shortlist na  pagpipilian ng Pangulo ng opisyal na iluluklok sa puwesto.      ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.