Naiuwi ni Philippine Representative Bench Ortiz ang Best National Costume award, at first runner up pa sa katatapos na Mr. Gay World 2024.
Ipinagmamalaki ni Bench ang kanyang winning national costume na tinawag niyang “Arimaonga.” Halaw ang Arimaonga sa higanteng kalahating dragon at kalahating Leon, isang maalamat na nilalang ng mga Maranao, na likha ng fashion designer na si Axel Que.
Sa paliwanag ni Bench, parang Bakunawa ang Arimaonga, na ang layon ay lamunin ang buwan — kaya nagkakaroon ng eclipse. Ayon sa alamat, kung naisip pigilan ang Arimaonga sa paglamon sa buwan, kailangang pumalakpak ng maraming ulit upang mabingi ito.
Ayon din sa alamat, mapaglaro lamang ang Arimaonga. Iniisip niyang isang napakalaking bola ng buwan na pwede niyang lulunin at iluwa. Kapag nasa loob ng bibig ng Arimaonga ang buwan, ito ang eclipse. Kapag iniluwa niya, tapos na ang eclipse.
“Like the myth, this costume symbolizes the Filipino resilience. We have the ability to fight and recover from any obstacle that comes our way,” ani Ortiz. “Monsters, man-made or natural forces, Filipinos will emerge victorious ang triumphant.”
Hindi man naiuwi ni Ortiz ang korona ng Mr. Gay World 2024, muntik na — dahil first runner up naman siya.
Isinilang sa Pangasinan at isang fitness professional, licensed nutritionist, at part-time actor, nananatili si Bench na nakatuntong sa lupa.
Ginanap ang pageant sa Gateshead, United Kingdom.
RLVN