BENCHMARK TAXATION DOCTRINE!

Erick Balane Finance Insider

SA isang case study na tinalakay sa schools and universities ni former Bureau of Internal Revenue Senior De­puty Com-missioner Nestor Valeroso ukol sa ‘benchmark taxation doctrine’ ay inilarawan nito kung paano masusugpo ang graft and corruptions, paraan para makuha ang target tax collection goal at masuportahan ang ‘Build-Build-Build’ pet-program ni Pangulong Digong Duterte.

Kamakailan ay muling binanggit ni Presidente Duterte na pagtutuunan nito ng pansin ang hindi masugpong graft and corrup-tions sa gobyerno, maging sa level ng Local Government Unit (LGU’s) na aniya’y talamak at kailangan nang gamitan ng ‘kamay na bakal’ para tuluyan nitong walisin ang mga ‘misfits, corrupt and undesirable officials, na patuloy sa paggawa ng katiwalian.

Ayon sa ‘benchmark taxation doctrine’ ni Valeroso, ito ang pinakamainam na paraan para matugunan ng Duterte administration ang sinasabi ni Bangko Sentral Governor Benjamin Diokno na umaabot sa US$79.0 billion, as of end-2018, up-by US$2.5 billion or 3.3 percent from the end-September level of US$76.4 billion na ang outstanding  external debt ng Filipinas sa World Bank-International Mo­netary Fund (WB-IMF).

Paliwanag ni Valeroso, hindi lamang panlabas na utang ng bansa ang kinakaharap na suliranin ng bansa, kundi maging ang ka-kapusan sa budget at iba pang malalaking gastusin ng Duterte administration gaya ng pondo para sa ‘Build-Build-Build Program,’ Universal Health Care, Sin Tax, housing projects at iba pong programa para sa kaunlaran ng bansa at para sa mga maralita.

Panahon ni former BIR Commissioner Liwayway Vinzons-Chato hanggang sa panahon ni Commissioner Kim Jacinto-Henarez nang gamitin ni Valeroso ang ‘benchmark tools’ ng nasabing taxation kaya lumobo nang husto at nagtagumpay ang tax collections ng Kawanihan, nasugpo ang katiwalian at nareporma ang taxations sa pagpapaikli ng pro­seso sa business registration, certificate of registration, authority to print, one time transaction, certificate of exemptions, escholarship, jobs/livelihood, manufactur-er/producer/trader importer at maging sa business at individual income.

Nakita ni Valeroso ang kakulangan ng seryosong implementasyon ng  pagpapatupad ng Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN)  Law, gayundin sa 2nd TRAIN Law (Tax Reform for Attracting Better and Highly Quality Opportunity bill.

Sa ‘benchmarking method,’ paliwanag ni Valeroso, hindi makalalasap ng shortfall sa collections ang BIR, maging ang Bureau of Customs kung maipatutupad lamang ito nang tama at walang bahid ng korupsiyon.

Sa isang statement ng DOF, sinabing ang excise tax collections mula buwan ng Enero hanggang Oktubre noong nakaraang taon ay umabot lamang sa P29.92 bilyon. Sa nasabing halaga, ang P29.74 billion dito ay mula sa BIR’s LTS o Large Taxpayer’s Service habang ang P184.4 million naman ay para sa iba pang uri ng buwis.

Sa nasabing statement, inamin ng DOF na grabe ang ibinagsak ng excise tax collections ng LTS kung saan lumasap ng halos P40 bilyon ang shortfall sa tax collections. Hindi ito mangyayari, ayon sa pag-aaral, kung gagamitan ng tax tools method ng ‘benchmark.’

Maging mismong si Pangulong Duterte, Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez at Davao City Mayor Sara Duterte ay naniniwalang masusugpo ang corruptions sa BIR at mapalalaki nang husto ang tax collections sa sandaling ipatupad ng maayos ang ‘benchmarking taxation at ­maaaring hindi na lumasap pa ng shortfall o kakulangan sa buwis ang kawanihan.

Ang target tax collection goal ng BIR ay P2.7 trillion na dapat mako­lekta mula buwan ng ­Enero hanggang sa pagtatapos ng buwan ng ­Disyembre nitong 2019.

Ang BIR-BOC ang inaasahan ng gobyernong tutugon sa pagpuna sa lahat ng infrastracture projects ni Pangulong Digong at magpapataas sa koleksiyon ng TRAIN Law at TRAIN Law-2 na ukol naman sa real property valuation and assessment reform, reporma sa Bureau of Local Government and Finance to develop and maintain a uniform valuation standard, consistent with interna-tional standards which will guide local government appraisers and assessors in prepairing their schedules of market values.

Isa pang  proposal sa Kongreso ang inaantabayanan ukol naman sa passive income and financial intermediary para magkaroon ng tax system sa financial sector fairer, para maging episyente at regionally competitive ang probisyon para mapasama ang yearly reduction ng final tax sa stocks on transactions mula sa 0.6 percent para maging 0.1 percent na lamang na gagalaw naman sa tax rates ng capital gains sa unlisted stocks ng kapuwa individuals at corporations upang maging unitary final tax rate na 15 percent.



Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa  09293652344/ 09266481092 o email:[email protected]

Comments are closed.