(Beneficiaries nagreklamo) ANOMALYA SA PAMAMAHAGI TUPAD PROGRAM NG DOLE

NAGPAHAYAG ng suporta ang Quezon City government sa gagawing imbestigasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa umanoy iregularidad sa pamamahagi ng benepisyo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa ikalawang distrito sa lungsod.

“Suportado natin ang plano ng DOLE na imbestigahan ang umano’y anomalyang ito. Dapat mapapanagot ang utak sa likod ng panlolokong ito sa ating mga residente,”anang pamahalaang lokal.

Ginawa ang pahayag matapos na suspendihin ng DOLE ang implementasyon ng cash assistance program sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa napaulat na iregularidad sa pamamahagi nito.

Nauna rito, inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III si DOLE Natio­nal Capital Region director Sara Buena Mirasol na imbestigahan ang reklamo ng mga benepisyaryo ng TUPAD sa Barangay Holy Spirit, QC.

Napaulat na sa halip na P7,518 ang ibinibigay na ayudang pinansiyal sa bawat isang benepisyaryo ay tumatanggap lamang ang mga ito ng halagang P2,000.

Giit naman ng coordinator ng naturang prog­rama na napag-utusan lamang siya na samahan ang mga benepisyaryo sa remittance center at bawasan ng P5,518 ang kanilang cash assistance.

Gayundin, maliban sa DOLE, magsasagawa rin ng imbestigasyon ang Presidential Anti-Graft Commission, Presidential Anti-Corruption Commission at Commission on Audit.

“We need to get to the bottom of this because our residents have been shortchanged here,” anang QC government. EVELYN GARCIA

178 thoughts on “(Beneficiaries nagreklamo) ANOMALYA SA PAMAMAHAGI TUPAD PROGRAM NG DOLE”

  1. 438464 378560This internet website is genuinely a walk-through for all with the info you wanted about this and didnt know who to ask. Glimpse here, and you will undoubtedly discover it. 285949

Comments are closed.