BENEFICIARIES NG CCT UNA SA NATIONAL ID

NATIONAL IDENTIFICATION

INILATAG  na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang implementing rules and regulations para sa Philippine Identification System o National ID System.

Ayon kay PSA Administrator Liza Grace Bersales, unang mabibigyan  ng National ID ang isang milyong benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer Program.

Sinabi nito na  inaasahang makapagsisimula na rin ang proseso ng implementasyon ng proof of concept bago matapos ang taon.

Target ng PSA na ipa­tupad sa Setyembre ng susunod na taon ang full scale registration at validation sa mga mabibigyan ng National ID.

Sa 2019 ay inaasahang papalo na sa anim na milyong Filipino ang mabibigyan ng National ID,  25 milyon sa  2022 at  target na  sa 2023 ang full implementation nito.

Kaugnay nito, nili­naw ng PSA na hindi saklaw ng National ID System ang driver’s license, passport at iba pang  identification cards tulad ng PRC ID.                        NENET VILLAFANIA

Comments are closed.