BENEFIT PATIENT NOTICE GAMITIN NG PHILHEALTH

Rep Helen Tan

UPANG maiwasan na ang anomalya tulad sa Wellmed Dialysis Center na kung saan kahit patay na ang pasyente ay nakakakuha pa rin ng claims sa Philippine Health Insurance (PhilHealth), iminungkahi ni House Committee on Health Chairman Helen Tan na mahigpit na ipatupad ang Benefit Patient Notice.

Paliwanag ni Tan, ang benefit patient notice ay isang liham na ipapadala ng PhilHealth sa mga miyembro nito.

Dito ay nakasaad ang impormasyon ng hospitalization, halaga na ibinayad ng PhilHealth, sakit ng pasyente, at ospital kung saan ito naka-confine.

Sa pamamagitan nito ay malalaman ng pamilya o ng mismong pasyente kung magkano ang nabawas sa PhilHealth at kung nagamit man ito sa confinement o kung sa dialysis.

Sakali namang mayroong reklamo laban sa PhilHealth ay maaaring gamitin ang benefit patient notice bilang ebidensya kung na-pakinabangan ba ito ng benepisyaryo.

Bagamat hindi naman naire-report agad sa PhilHealth at nailalagay sa kanilang system kung namatay na ang miyembro nila, sa pamamagitan ng benefit patient notice ay mabilis na maipapaalam agad sa Phil-Health kung namatay na ang miyembro o nagamit ito sa maling transaksiyon. CONDE BATAC

Comments are closed.