BENEPISYARYO NG 10K AYUDA NATIONWIDE MAHIGIT SAMPUNG LIBO NA

masalamin logo

HALOS  marindi na ang ating mga kababayan sa kaliwa’t kanan at walang habas na banatan ng mga kakandidato para sa 2022 eleksyon. Puro kuda at dada ang ginagawa ng mga ito sa ngayon para umingay ang kanya-kanyang kampo bago pa man ang filing ng certificate of candidacy ngayong October 1.

Aba’y sa halip na gawan ng paraan ang pagkakaroon ng mas epektibong anti-COVID response, nandyang magbatuhan pa ng mga baho ang ating mga opisyal ng bayan. Buti pa nga itong si dating Speaker Alan Peter Cayetano eh, solusyon sa mga problema ng bayan ang inaatupag at pinagkakaabalahan lalo na ang kapakanan ng mga iginupo ng COVID-19.

Halimbawa na rito ang kanyang programang Sampung Libong Pag-Asa. Akalain nyo, umaabot na pala sa 10,458 ang nakatanggap ng 10K ayuda mula kay Cayetano at sa kanyang mga kaalyadong BTS o Balik Sa Tamang Serbisyo. At nationwide po ito, mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ang mga nakatanggap ng 10K ayuda para khit paano’y makatulong at makaahon sa kanilang pagkakalugmok dahil sa pandemya.

Sa totoo lang napakalaking tulong sa ating mga kababayan ng 10K ayuda na ito batay sa mga success stories na ibinabahagi ng mga benepisyaryo. Kaya nga hindi natin lubos maisip kung bakit hindi inaaksyunan ng kongreso ang 10K Ayuda Bill nina Cayetano at kanyang mga kaalyado na noon pang Pebrero 2021 inihain sa kamara. ‘Di ba dapat ito ang binibigyang prayoridad ng mga mambabatas lalo pa at medyo malayo-layo pa ang ating lalakbayin para makatawid sa pandemyang ito. Ni ang ating mga bakuna ay kulang para sa ating mga kababayan.

Sa totoo lang hindi nga lang ang 10K ayuda ang binibigyan ng diin ni Cayetano eh. Kasabay kasi nito namimigay rin siya at ang kanyang grupo ng P3,500 sa mga sari-sari store sa buong bansa naapektuhan din ng pandemya. Sa ngayon, 2,500 ng mga sari-sari stores ang nakinabang sa programang ito.

Pangunahing layunin ng 10K Ayuda na maiahon at hindi lamang maitawid sa kanilang lugmok na kalagayan ang ating mga kababayan dahil sa pandemyang COVID-19. Kabilang sa mga benepisyaryo ng 10K Ayuda ang ating mga kababayang nawalan ng trabaho at hanapbuhay, mga naluging malilit na negosyo, OFWs at seamen, mga atleta at coaches ng ating sports community, entertainers at stand-up commedians, kawani ng food industry, Barangay Health Workers o BHW at iba pang sektor ng lipunan.

Buti na lang at ‘di sumasabak sa kalakaran ng ibang kandidato itong si Cayetano. Kita n’yo naman, na kahit noong kasagsagan ng ECQ at MECQ, tuloy-tuloy pa rin siya sa pamimigay ng 10K ayuda at puhunan para sa mga sari-sari stores. Walang dudang humahanap siya ng solusyon at gumagawa ng paraan para maisalba ang buhay at kabuhayan ng Pilipino, samantalang ang iba riyan ay puro dada at puro politika lang ang ginagawa.

106 thoughts on “BENEPISYARYO NG 10K AYUDA NATIONWIDE MAHIGIT SAMPUNG LIBO NA”

Comments are closed.