BENEPISYARYO NG 4Ps TUMULONG SA PAGRE-REPACK NG RELIEF GOODS

NAKATUWANG ng DSWD-NCR ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na tumulong sa pag-repack ng family food packs na ilalaan sa mga apektado ng Bagyong Carina at Habagat.

Ayon sa DSWD, bahagi ito ng augmentation para mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong Lokal na Pamahalaan sa Metro Manila.

Ang mga benepisyaryo ay makakatanggap naman ng cash-for-work, na layong magbigay ng pansamantalang trabaho sa mga distressed o displaced na indibidwal sa pamamagitan ng paglahok sa mga proyekto at aktibidad na naglalayong bawasan ang epekto ng sakuna sa kanilang mga komunidad.

Sa pinakahuling tala ng DSWD, sumampa na sa isang milyong family food packs ang naipamahagi nito sa mga apektado ng nagdaang kalamidad kung saan aabot sa higit 170,000 ang nailaan sa NCR.

P ANTOLIN