BENEPISYARYO NG SLP NA NAENDORSO NG PCUP SA DSWD, UMABOT SA 220 ACCREDITED UPOs

Alvin Feliciano

UMABOT na sa 220 accredited urban poor organizations (UPOs) na may kabuuang 4,438 kasapi mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang naendorso ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) upang maging benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, bahagi ito ng patuloy na pagtataguyod ng mga programang pangkabuhayan ng Komisyon katuwang ang DSWD at iba pang sangay ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng maralitang tagalungsod lalo na’t karamihan sa mga ito ay labis na naapektuhan ng pandemya na nagdulot ng kawalan ng hanapbuhay.

Sinabi pa ng PCUP chief na ito ay parte  rin ng convergence program ng gobyerno na naglalayong mas mapaigting ang ugnayan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang maiangat ang socio-economic status ng mga pinaka-bulnerableng sektor ng lipunan.

Naging matagumpay ang naturang programa sa pamamagitan ng patuloy na pag-eendorso ng Komis­yon ng mga benepisyaryo sa DSWD sa ilalim ng pangan-gasiwa ni PCUP Commissioner-in-Charge for Livelihood Randy H. Halasan kaisa ang PCUP Livelihood Unit.

Kabilang sa mga insentibo o benepisyo na makukuha ng mga kwalipikadong benepis­yaryo ng programa ay ang P15,000 halaga kada miyembro ng isang samahan o UPO na siyang gagamiting kapital para sa pagbubuo o pagtatayo ng negosyo.

Ayon kay Feliciano, lalo pang pinaiigting ng PCUP ang mga programa at serbisyo nito alang-alang sa interes at kapakanan ng maralitang tagalungsod at isa na rito ang walang humpay na pag-eendorso ng mga maralitang samahan sa DSWD upang maka-avail at maging benepisyaryo ng SLP.”

“Ang kolaborasyong ito at pakikipag-ugnayan ng Komisyon sa DSWD at maging sa iba pang pampubliko at pribadong sektor ay hindi rito nagtatapos bagkus ito ay magpapatuloy pa lalo na’t marami pang mga maralitang tagalungsod ang na­ngangailangan ng tulong sa panahon na humaharap sa pandemyang bunsod ng COVID-19 ang bansa,” saad pa ni Feliciano.

Samantala, bukod dito ay marami pang mga proyekto ang kasaluku­yang isinusulong ng Komisyon tulad ng PCUP Three (3) Prio­rity Programs na kinabibilangan ng PCUP Caravan, Adopt-an-Urban Poor Community, Urban Poor Privilege Card, gayundin ang Food, Health, at Scho­larship Caravan, at mga Capability Building Programs (CBPs) na dapat abangan ng mga maralitang tagalungsod na inaasahang makatutulong sa pag-unlad ng mga ito tungo sa matatag, maginhawa, at panatag na buhay. BENEDICT ABAYGAR, JR.

4 thoughts on “BENEPISYARYO NG SLP NA NAENDORSO NG PCUP SA DSWD, UMABOT SA 220 ACCREDITED UPOs”

  1. 358984 304341Im not positive why but this weblog is loading incredibly slow for me. Is anyone else having this issue or is it a dilemma on my finish? Ill check back later and see if the problem still exists. 74252

  2. 426091 884807Can I just now say that of a relief to locate somebody who truly knows what theyre speaking about online. You in fact know how to bring a difficulty to light and function out it crucial. The diet want to see this and appreciate this side on the story. I cant believe youre no a lot more popular since you definitely possess the gift. 176616

  3. 900866 758992Making use of writers exercises such as chunking. They use a lot of websites that contain several creative writing exercises. Writers read an exercise, and do it. 290111

Leave a Reply

Your email address will not be published.