MAPAPASO o ma-e-expire ngayong Hunyo 2021 ang bisa ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.
Ang batas na ito ay ating isinulong, bilang chairman ng Senate Committee on Finance noong isang taon.
At nilalayon nga po nito ang pagbibigay-benepisyo sa ating frontline healthworkers, partikular ang mga kompensasyong matatanggap nila sakaling tamaan ng COVID habang nasa serbisyo.
At dahil nakatakda ngang mag-expire ang Bayanihan 2, marami ang nagtatanong: paano na raw ang compensation benefits ng ating healthworkers? Kasabay rin ba ng expiration ng batas ang mga benepisyong ito?
Ang sagot po natin diyan ay hindi po.
Malinaw na isinasaad sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) na mananatili ang mga benepisyong ito hanggang nasasailalim ang bansa sa national emergency.
Kasama sa mga benepisyong ito ang P15,000 financial support sa isang medical frontliner na tatamaan ng mild to moderate COVID; P100,000 para naman sa severe o critical cases.
Sakaling pumanaw naman ang isang healthworker dahil sa COVID habang nasa line of duty, ang kanyang naiwang pamilya ay tatanggap ng P1 milyon.
Ang probisyon pong iyan ay nakasaad sa batas simula pa noong Bayanihan 1. Itinuloy ngayong Bayanihan 2 at magpapatuloy ang implementasyon kahit mag-expire pa ito sa darating na Hunyo.
Bukod po sa mga kompensasyong ‘yan, mananatili rin ang iba pang tulad ng mga sumusunod:
Buwanang special risk allowance para sa lahat ng public or private health workers na naka-detalye sa COVID patients; hazard duty pay para sa lahat ng frontline health workers; life insurance, accommodation, libreng transportasyon at pagkain para sa lahat ng public at private healthworkers, at lahat ng medical expenses ng public at private health workers na nagkasakit ng COVID at iba pang karamdaman habang nasa active duty ay sakop din ng batas na ito.
Para naman sa mga gustong malaman kung may mga healthcare worker na bang nakatanggap ng mga benepisyo — base po sa report ng DOH, umaabot na sa 7,963 health care workers na nagka-COVID ang nakatanggap na ng mga nabanggit.
At dahil tuloy-tuloy ang pagsisilbi ng ating health care workers sa kabila ng panganib, at walang tigil kahit kagagaling lang sa COVID, dapat ay tuloy-tuloy rin ang pagbibigay ng benepisyo sa kanila. Hindi matutumbasan ng ano pa mang materyal na tulong ang ibinibigay na pagkalinga sa atin ng ating healthcare workers kaya dapat natin silang kilalanin at pasalamatan.
931144 285655Your home is valueble for me. Thanks!? This internet page is actually a walk-via for all with the information you required about this and didn know who to ask. Glimpse proper here, and you l surely uncover it. 669050
789926 845879Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So good to search out any individual with some original thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this site is 1 thing thats wanted on the web, somebody with a bit of originality. useful job for bringing something new to the internet! 777106