BENEPISYO PA SA MGA PULIS, SUNDALO ISINUSULONG SA KAMARA

SUNDALO AT PULIS

UPANG mas mapagtuunan ng pansin ng mga nasa hanay ng government uniformed personnel ang pagganap sa kanilang tungku-lin at umiwas na gumawa ng anumang katiwalian, dapat umanong bigyan ang mga ito ng private housing, comprehensive health care at scholarship packages na mapakikinabangan maging ng bawat miyembro ng kani-kanilang pamilya.

Sa kanyang pagbibigay pugay sa mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), gayundin sa pamamahagi ng higit 600 sako ng bigas  sa mga kasapi ng Taguig City Police, sinabi ni Congressman Alan Peter Cayetano (Taguig City 1st Dist.-Pateros) na bukod sa pagbibigay ng mataas na sahod, dapat ay may mga programa ring ilaan ang pamahalaan para sa lahat ng mga unipormadong tauhan nito na nakatuon naman sa pangangailangan maging ng mga miyembro ng pamilya ng mga ito.

Kaya naman iminungkahi ng mambabatas na magkaroon ng magandang programang pabahay, health care package at scholarship program para sa mga sundalo, pulis, fire at jail personnel,  gayundin sa coast guard at ibang pang law enforcement agency members.

“If you look at Pagibig, you look at GSIS, etc. marami pong pondo. Pero wala pong komprehensibong affordable na programa  na kayo (uniformed personnel) ay bumili ng bahay na 30 years to pay sa abot-kaya ng inyong bulsa. Kung tatanungin n’yo ako, ayokong ang gobyerno ang gumawa ng bahay… lahat naman ng location in the middle of nowhere, gagamitin n’yo ba ‘yon?” sabi ni Cayetano sa harap ng mga bumubuo ng Taguig City Police.

Kung gagawa man umano ng housing project ang gobyerno para sa uniformed personnel, dapat ay katulad itonng private sector na maganda ang lokasyon, na kapag ibinenta ay maaaring mapataas pa ang presyo dahil habang tumatagal ay tumataas ang market value nito.

Ani Cayetano, sa halip ng bigyan ng aktuwal na housing unit, ang pagkakaroon ng kakayanan o kapasidad na kumuha ng private housing ang ipagkaloob sa mga unipormadong tauhan ng pamahalaan, na maaaring bayaran sa loob ng 20 taon hanggang 30 taon kung saab makapipili sila ng disenyo at lokasyon na angkop sa pangangailanga ng kanilang pamilya.

“If you make it a 20 year to 30 year program, pagpasok mo sa gobyermo na 20 years old ka, 25 years old, by the time na 55 years old, o  56 years old mag-retire na, bayad na ang bahay mo,” paliwanag pa niya.

Pagdating naman sa health care program, sinabi ni Cayetano na nauna niyang nakausap ang PhilHealth kung saan kung madadag-dagan umano ang monthly premium ng uniformed personnel ay pupuwedeng maging mas mataas ang hospitalization at iba pang med-ical package ang maibigay sa mga ito. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.