ISINUSULONG ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang pagbuo ng isang hybrid position classification para magbigay daan na maging regular na empleyado ng gobyerno ang mga barangay workers para mapagkalooban ng bukod na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) ang may 41,976 na mga barangay sa buong bansa.
Tinalakay ang nasabing panukalang ginanap na technical working group (TWG) meeting na kung saan itinutulak ang agarang pagkakaloob ng nasabing benepisyo sa oras na maisabatas.
Sa Senate Bill 215 o Barangay Workers Incentives Act na inihain ni Tolentino, kikilalanin bilang mga regular na empleyado ng gobyerno ang barangay workers at awtomatikong magiging miyembro rin ng Government Service Insurance System (GSIS) kung saan makatatanggap sila ng life insurance at retirement, disability at separation benefits. Magkakaroon na rin sila ng libreng health benefits sa ilalim ng government medical insurance law.
Gayundin, sa panukala pa ni Tolentino, dapat bigyan din ng karapatan ang mga barangay na magbigay ng iba pang benepisyo sa kanilang mga empleyado, depende sa kakayahang pinansiyal ng mga ito.
“Although considered the closest government officials to the people, they are the most underappeciated among the government employees in terms of salary as well as employment benefits and privileges. They do their best to deliver local services despite limited funding given to them. Thus, it is only right that the State duly recognizes these employees by granting them well-deserved benefits and incentives.” giit ng senador. VICKY CERVALES
Comments are closed.