BENEPISYO SA MATATANGGAL NA LRT-1 WORKERS TINIYAK

LRT-1

MAKATATANGGAP ng mga benepisyo ang mga empleyado ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na nakatakdang mawalan ng trabaho alinsunod sa mga panuntunan na itinakda ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kabilang dito ang mga benepisyo sa ilalim ng batas at higit pa sa itinatakda sa umiiral na collective bargaining agreement.

Sa isang statement, sinabi ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang operator at maintenance provider ng LRT-1, na ang retrenchment ay bunga ng 90 porsiyentong pagbaba sa ridership ng  LRT-1, gayundin ng suspensiyon ng iba pang mga  proyekto.

Ang LRMC ay nakipagpartner din sa Xcelarator Talent Solutions upang tulungan ang mga apektadong manggagawa nito sa livelihood at investment management.

“Webinars and online consultations on managing mental health will also be offered,” pahayag ng LRMC.

“This will aim to right-size the organization to better suit the current and future business conditions, as well as maintain stability while navigating through the uncertainty of this global crisis,” dagdag pa nito.

Ang bawas-empleyado ay ipatutupad sa September 15.

Ang desisyon ay dumaan sa ‘multiple levels of approvals’ na kinasasangkutan ng management ng LRMC at ng  employee union nito.

Ayon kay Jacqueline Gorospe, LRMC Communications and Customer Relations head, mahigit sa 100 empleyado ang maaapektuhan ng retrenchment, na katumbas ng 20 porsiyento ng workforce ng LRT-1.

Kasunod ng anunsiyo ng retrenchment, hinimok ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang tatlong iba pang rail services sa bansa na agad i-absorb ang mga kuwalipikadong empleyado.    PNA

Comments are closed.