BENGGANSA, MOTIBO SA PAGPATAY SA SENIOR CITIZENS COUPLE

patay

BULACAN – NADAKIP ng mga pulis ang apat na lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, na sangkot sa pagpatay sa mag-asawang kapwa senior citizens na ginantihan ng mga ito sa Barangay Malhacan, Meycauayan.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan Provincial Police Office, nadakip sina Antonio Delos Santos, 39, walang trabaho; Russel Lamsen, 19, at dalawang menor de edad na kapwa 16-anyos, pawang residente ng Brgy. Malhacan, Meycauayan City, Bulacan.

Nalutas ang krimen 10 oras makaraang matagpuan ang mga bangkay ng mag-asawang sina Felix Bernabe, 76, at Estelita Bernabe, 75, na may mga sugat sa ulo sa Little Baguio St., Brgy Mahalcan, Meycauayan dakong alas-3:00 ng madaling araw nitong Hunyo 10.

Benggansa ang hinihinalang motibo sa pagpatay sa mag-asawa na maraming reklamo mula sa mga suspek na itinuro ng isang nakasaksi sa krimen. A. BORLONGAN

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *