BENHAM RISE GAMITIN PARA MAPALAKAS ANG MILITARY CAPABILITY SA WPS

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektado at hindi basta makukubkob ng anumang puwersa ng ibang bansa ang Philippine Rise dahil ito ay pag-aari ng Filipinas.

Ang pahayag ng Punong Ehekutibo ay kaugnay sa nagpapatuloy na territorial dispute ng bansa sa China hinngil sa West Philippine Sea.

“Benham Rise (former name of Philippine Rise) is exclusively Philippine property,” pagdiriin ng Pangulong Duterte sa kanyang pre-recoded “Talk to the People” nitong Lunes ng gabi.

Una nang inimbita ng Pangulo si dating Senador at Defense Secretary Juan Ponce Enrile upang hingan ng ilang impormasyon at payo sa usapin sa WPS.

Si Enrile ang saksi sa unang pagtatangka ng China na angkinin ang Spratlys.

Si Enrile ay Senate President nang maganap ang 2012 standoff sa Scarborough sa pagitan ng Filipinas at China.

Sa kanilang pulong na napanood sa national television, pinayuhan ng dating defense chief ang Pangulo na ituloy lang ang magandang relasyon sa China subalit hindi dapat makompromiso ang territorial waters ng bansa.

Maaari ring gamitin ang Benham Rise para mapalakas ang military capability na magsisilbing bakod upang hindi makubkob ang iba pang isla na sakop ng bansa.

“Mr. President, if I may suggest, we get what we can get from China on the West Philippine Sea, use it to strengthen our military capability and exploit Benham Rise – Philippine Rise,” payo ni Enrile.

Tumugon naman ang Pangulo na sa kanyang termino ay hindi magaganap ang intrusion sa Philippine Rise.

“Well, of course, the right to innocent passage is everybody’s privilege. But to allow anybody, even to just try to exploit or to even to look in, you know, I will not allow them to do that because that belongs — Philippine Rise belongs to the Filipino people,” giit ng Pangulo.

Ang PR na may sukat na 13-million-hectares undersea plateau na may tinatayang 160 nautical miles east sa Luzon na sakop sa lalawigan ng Isabela at Aurora ay matatagpuan sa Central Basin Fault sa ilalim ng West Philippine Sea.

Kung pagbabasehan ang scientific data sa seismic, magnetic at iba pang geological features ng Benham Rise, lumalabas na ang rehiyon ay karugtong ng continental shelf ng Filipinas at ang naturang plateau na mas malaki kaysa sa Luzon ay halos kalahati ng kabuuang land area ng bansa.

Nauna nang naghain ang Filipinss ng territorial claim sa United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf noong Abril 9, 2009.

Ang CLCS ang siyang nagpapatupad sa implementasyo ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

Taong 2012, ay kinilala ng UNCLOS at opisyal na inaprobahan ang claim ng Filipinas kung kayat ang teritoryo ng bansa ay nadagdagan mula 30 million hectares at naging 43 million hectares. EVELYN QUIROZ

6 thoughts on “BENHAM RISE GAMITIN PARA MAPALAKAS ANG MILITARY CAPABILITY SA WPS”

  1. 465561 700581The book is great, but this review is not exactly spot-on. Being a Superhero is much more about selecting foods that heal your body, not just eating meat/dairy-free. Processed foods like those mentioned in this review arent what Alicia is trying to promote. In the event you arent open to sea vegetables (and yes, Im talking sea weed), just stop at vegan. 543948

  2. 758206 313037You completed several good points there. I did specific searches on the issue and discovered several individuals go in conjunction with along along with your weblog. 835000

  3. 999502 709987After study a handful of the content material within your internet internet site now, and that i genuinely such as your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet website list and are checking back soon. Pls look into my internet site as well and tell me what you believe. 702149

Comments are closed.