NAKAIINTRIGA ang maiksing komento ng ex-boypren ni Julie Anne San Jose na si Benjamin Alves sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ng magsyota. Kamakailan lang ay inamin na nga ni Julie Anne na wala na sila ni Benjamin nitong nakaraang taon pa 2018, ilang araw lang daw pagkatapos ng birthday ni Benjamin last year. At sa pangungusap ni Julie Anne ay masasabi mong hindi maganda ang dahilan ng paghihiwalay nila ng boypren.
Nasabi kasi ni Julie Anne na hindi niya puwedeng maging friends sa ngayon si Benjamin. Sa pag-amin na ito ni Julie Anne ay naging tahimik ang kampo ni Benjamin. Ni hindi agad siya nagbigay ng komento pagdating sa kanyang side. Pero sa isang social media account ay hindi na napigil pa ni Benjamin na ilabas ang kanyang saloobin sa break up nila ni Julie Anne.
Sa komento kasi ng isang netizen ay nais niyang i-welcome back si Benjamin sa club ng mga single men ulit. Maigsi man ang komento ay hindi ito pinalagpas ng actor sa pagsasabing “towards retirement.”
Naging palaisipan ngayon ito sa netizens, magre-retire na nga ba sa showbiz si Benjamin? Iiwan na niya ang mundo ng showbiz para tuluyan nang makalimutan si Julie Anne? Saan kaya magre-retire si Benjamin, sa pagiging in love? Well, your guess is as good as mine.
YASMIEN KURDI MAKAPAGTATAPOS NA NG PAG-AARAL
ISA si Yasmien Kurdi, ang maituturing na Kapuso role model. Bukod kasi sa boom na boom ang kanyang showbiz career ay nagagampanan pa niya ng maayos ang kanyang pagiging isang ina at asawa.
Kahit pa sabihin na hindi siya nawawalan ng shows o guestings sa GMA 7, time management talaga ang byuti niya. Mas lalong naging kump-likado ang kanyang oras nang ipagpatuloy niya ang pangarap ng kanyang ina na magtapos siya ng pag-aaral. Kung kaya kahit hirap sa oras ay pinilit ni Yasmien na makapagtapos ng kolehiyo. At ngayon ngang darating na Abril, isa si Yasmien sa candidate for graduation para sa kursong Political Science sa Arellano University.
Ani ni Yasmien, abot-kamay na raw niya ang rewards ng lahat ng kanyang paghihirap, puyat at pagod para maibigay sa ina ang pangarap nito sa kanya. Kung nalagpasan ni Yasmien ang first few years ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo, kahit pa may ginagawa siyang soap, ay siguradong kering-keri na rin ni Yasmien na pagsabayin ang kanyang pag-aaral, pagiging ina at pag-aartista ngayon na may bago siyang soap opera na ginagawa sa Siyete, ang “Hiram Na Anak”. Kuwento ng 2 anak na nag-aagawan sa isang anak na babae.
At pagkatapos na pahirapan si Yasmien ni Jackie Rice sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” ay si Laureen Young naman ang magpapahirap kay Yasmien. With Dion Ignacio and Paolo Contis as their leading man.
Comments are closed.