DAVAO CITY – Walong exhibitors mula sa Davao Region ang nakalikom ng USD1.5 billion na benta sa 7th China International Import Expo (CIIE) na idinaos noong Nov. 5-10, 2024 sa Shanghai, China, ayon sa Department of Agriculture sa Davao Region (DA-11).
Ang exhibitors ay kinabibilangan ng Maylong Enterprises Corp., EngSeng Food Products, SQ Fresh Fruits Corp., BJM-Plouteo Agricultural Export Trading, Fruta Asiatica Export and Agri-Trading, Mei He W-Plus Food Processing Inc., GERB Golden Hands Corporation, at Avante Agri-Products Phils. Inc.
Sinabi ni DA-11 senior agriculturist Alexander Sibuan na partikular na nagustuhan ng Chinese market ang durian mula sa Davao dahil sa matamis at creamy texture nito.
“A survey conducted during the durian tasting revealed that 80 percent of participants loved Philippine durian,” sabi ni Sibuan.
Ang local durian industry ay nagsimulang magtagumpay noong April 2023, nang magdala ang DA-11 ng 18 metric tons ng durian sa China, ipinakilala ang mga varieties tulad ng Puyat, D-101, Cob, at Duyaya sa malawak na Chinese market.
Pinuri ni Chinese Commercial Consul Jin Jun, kinatawan si Consul General Zhao Xiuzhen ng Chinese Consulate General in Davao, ang lumalakas na agricultural ties sa pagitan ng dalawang bansa.
“The vast Chinese market presents significant opportunities for agricultural cooperation between China and the Philippines, particularly in the durian industry,” aniya, idinagdag na ang partnership na ito ay maaaring magpalakas sa durian production at kita ng mga magsasaka sa Davao.
ULAT MULA SA PNA