BENTA NG LOCALLY ASSEMBLED VEHICLES TUMAAS

TUMAAS ang benta ng locally assembled vehicles ng 9.5 percent sa 38,628 units noong September 2023 mula sa 35,282 units na naibenta noong nakaraang taon, ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers Philippines, Inc. (CAMPI) and Truck Manufacturers Association (TMA).

Ang benta ng passenger cars ay naghatid sa paglago noong nakaraang buwan sa 9,558 units, na may double-digit expansion na 19.8 percent mula sa 7,976 units na naibenta noong September 2022.

Tumaas din ang commercial vehicle sales ng 6.5 percent year-on-year sa 29,070 units mula 27,306 uits.

“We recorded the highest monthly sales in September, and we hope that positive consumer outlook will be sustained in Q4 (fourth quarter),” wika ni CAMPI president Rommel Gutierrez.

Mula January hanggang September 2023, ang industry sales ay mas mataas ng 26.9 percent sa 314,843 units kumpara sa 248,154 units sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Target ng industry group na makamit ang 423,000-unit sales ngayong taon, na kabibilangan din ng sales ng imported vehicles.

Ang passenger car sales ay tumaas ng 33.2 percent sa 80,009 units mula 60,058 units sa kaparehong panahon.

Samantala, ang nabentang commercial vehicles sa kaparehong panahon ay tumaas ng 24.8 percent sa 234,834 units mula 188,096 units noong nakaraang taon.