‘TAPOS na ang maliligayang araw ng pagka-cutting classes.’
Tiyak na maraming maaapektuhan at maraming aaangal sa panibagong hakbang sa lungsod ng Maynila na nagbabawal na sa pagbebenta ng mga nakalalasing na inumin ng mga tindahan, restaurant at convenience stores na malapit sa mga paaralan.
Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno kahapon matapos niyang utusan si Secretary to the Mayor Bernie Ang na bawiin ang mga inisyung permits to sell liquor sa loob ng 200 metro mula sa mga paaralan.
Target din ng nasabing kautusan ang mga mag-aaral na umiinom ng mga intoxicating drinks sa oras ng klase. ‘We’re not intruding. In fact, this will not deter you (students) but it will be hard for you to access liquor,” pahayag ng alkalde.
Nilinaw ni Moreno na ang kautusan ay ‘fixed’ at hindi na regulatory upang hindi ito maging lantad sa anumang uri ng pang-aabuso. VERLIN RUIZ
Comments are closed.