MATUMAL pa ang bentahan ng bulaklak sa Dangwa, Maynila, mahigit isang linggo bago ang Araw ng mga Puso.
Ayon sa ilang nagtitinda, posibleng ito’y dahil nagtitipid ang mga mamimili.
Payo nila, mainam na bumili na ng bulaklak habang bagsak-presyo pa ang mga ito.
Sa ngayon, naglalaro sa P60 ang presyo ng kada piraso ng long stemmed rose, habang nasa P50 naman ang kada piraso ng short stemmed rose.
Aabot sa P180 ang presyo ng kada piraso ng ecuadorian rose, at nasa P250 ang kada piraso ng dried rose.
Naglalaro naman sa P100 ang presyo ng kada piraso ng sunflower at curnation, habang P80 ang kada piraso ng daisy, at nasa P145 ang kada piraso ng tulip.
DWIZ 882