APAT sa limang “made in Pakistan” skin whitening cosmetics na nai-ban na ng Food and Drug Administration (FDA) dahil nagtataglay ng nakapipinsalang level ng mercury ay talamak na naibebenta sa mga tindahan over the counter sa shopping mall sa Pasay City.
Isiniwalat ng EcoWaste Coalition ang ilegal na bentahang ito matapos nilang bumili kamakailan ng facial creams mula Pakistan na kargado ng Mer-cury mula sa cosmetic retailers sa Baclaran Terminal Plaza Mall at Baclaran Bagong Milenyo Plaza sa halagang P225 hanggang P300.
“We are dismayed by the nonstop and remorseless trade of unregistered skin lightening products from Pakistan containing extremely high levels of mercury way above the permissible limit of 1 part per million (ppm),” pahayag ni Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner, EcoWaste Coalition.
“Mercury, a highly toxic substance, is not permitted for use as an ingredient in cosmetic products such as skin whitening creams, lotions and soaps as per the ASEAN Cosmetic Directive. To protect human health and the environment, governments through the Minamata Convention on Mercury have targeted a global phase-out of skin whitening cosmetics with mercury above 1 ppm by 2020,” sabi niya.
Ilan sa mga item na binili ng grupo at agad sinuri kung may mercury gamit ang hand-held X-Ray Fluorescence (XRF) analytical device ay ang Par-ley Herbal Whitening Cream na may 32,200 parts per million (ppm) of mercury; Goree Beauty Cream na may 21,700 ppm; Goree Day & Night Whit-ening Cream na may 17,800 ppm, at Golden Pearl Beauty Cream with 10,000 ppm of mercury.
Nag-abiso na ang FDA noong Marso 5, 2019 na ibina-ban ang dalawang klase ng Parley dahil nagtataglay ito ng mercury na lagpas sa 1 ppm limit. Kaparehong abiso ang inisyu laban sa dalawang klase ng Goree noong Oktubre 30, 2017. Ang Golden Pearl ay isa sa mga produktong mercury-tainted na nai-ban na ng FDA sa pamamagitan ng abiso na ini-release noong Setyembre 8, 2014.
Ayon sa huling abiso ng FDA advisory: “Adverse health effects brought about by highly toxic mercury in cosmetic products include kidney dam-age, skin rashes, skin discoloration and scarring. Chronic use reduces the skin’s normal resistance to against bacterial and fungal infections. Other ef-fects include anxiety, depression or psychosis and peripheral neuropathy.”
“The transfer of mercury to fetuses of pregnant women may manifest as neurodevelopment deficits later in life,” babala ng FDA.
Para patigilin ang bawal na pagbebenta ng produkto na mercury-contaminated skin lightening mula Pakistan at kahit saan, nanawagan ang EcoWaste Coalition sa FDA para magsagawa ng patuloy na law enforcement efforts, kasama ang on-the-spot na pagkumpiska ng mga banned na produkto at magkaroon ng preventive closure sa mga establisimiyentong ilegal.
Dahil ang mga produktong maraming halo ng mercury ay hindi dapat maitapon sa landfill or masunog, hinimok ng grupo ang FDA na makipag-koordinasyon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para masiguro ang environmentally-sound management of confiscated goods.
Pinilit din ng EcoWaste Coalition ang FDA na maging masigasig na tutukan ang cosmetics mula Pakistan na ibinebenta sa Filipinas na walang ta-mang notification o registration.
Bukod sa Parley, na nai-ban din ng FDA kamakailan, nagpasintabi ang grupo noong Marso 26, 2018 tungkol sa pagbebenta ng Pakistan-made skin whitening creams na maraming halo ng mercury tulad ng Aneeza Gold Beauty Cream, Aneeza Saffron Whitening Cream, and Face Lift Whitening Beau-ty Cream.
Ang Pakistan tulad ng Filipinas ay nakikipaglaban sa isyu ng mercury-contaminated skin care products sa merkado, sabi ng EcoWaste Coalition.
Binanggit ng grupo ang report na “Mercury Poisoning Associated with International and Local Skin Whitening Creams in Pakistan” na nalathala noong Nobyembre 2018, na nagpapakita na 56 sa 59 sample na sinuri para sa kabuuang mercury content ay may mercury na mataas pa sa pinayagang limit na 1 ppm, na ang 28 porsiyento ay may mercury na mas higit pa sa 10,000 ppm.
Ang resulta ng pag-aaral ay nagtulak sa State Minister for Climate Change Zartaj Gul para ianunsiyo sa isang workshop na na ginanap sa Islamabad noong Pebrero 14, 2019 na nagsasaad na, “the ministry will take up this matter and issue notices to the companies for producing such harmful beauty creams and items explicitly posing serious health complications and even cancer.”
“The anticipated action by the Pakistani government against mercury-laden skin whitening cosmetics, the EcoWaste Coalition said, should help in curbing the proliferation of such products in the Philippines.“