BENTAHAN NG P45-P48 BIGAS ARANGKADA NA

BIGAS-7

NAKAPAGSIMULA  nang makapagbenta paunti -unti ng murang bigas na nagkakahalaga ng P45 hanggang P48 kada kilo sa mga piling Kadiwa Centers ang Department of Agriculture (DA) para sa publiko para sa “Rice for All” program nito at may limit lamang ang maaring mabili nito.

Ito ang ipinahayag ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa. “Mayroon naman po. Mayroon na paunti unti nagbebenta na tayo, pero yung gusto nating maisabay mayroon lang mga ilan na nagpa-finalize pa kami hanggang next week dire diretso na rin ang Rice for All.

Nilinaw rin ni De Mesa na hindi na maituturing na paglulunsad ang isasagawa nilang mas maramihang pagbebenta ng mga murang bigas sa publiko sa “Rice for All” program ng DA na target na isagawa ngayong linggo, hanggang sa susunod na linggo, sapagkat nakapagsimula na silang magbenta noong Biyernes.

Bahagi ng trial period na ito ng dalawang programa ay ang tuloy tuloy na proseso ng DA sa pagkolekta ng mga kritikal na impormasyon para sa demands at supply at logistics at iba pa.

“Part ng large scale trial natin yung continues collection natin ng mga critical information sa demands, sa supply, sa logistics, at saka yung iba iba pang administrative na mga issues and concerns,” sabi ni de Mesa.

Mabibili na ang P45 hanggang P48 kada kilong bigas na well milled at regular milled rice sa mga piling Kadiwa Centers.”Ito pa rin ang mga pili nating Kadiwa Centers…actually tinitingnan namin hindi lang well -milled pati yung mga premium rice na pwede ring ibenta na relatively cheaper again doon sa prevailing market prices,” sabi ni de Mesa.

Sa ngayon ang ibinebenta nila ay mas mura ng P5. ”Sa ngayon ang tinitingnan natin ay mas mura ng P5 doon sa existing nating presyohan,”dagdag pa ni de Mesa.

“Kung makita natin yung well-milled ngayon, yung prevailing niya mula P50 hanggang P53.So kaya ang ating presyuhan ng ating well-milled nasa P45 to P48.Ganoon din yung sa premium natin. Sa P55 hanggang sa P60 yan, so posibleng lower ng P5 din yun,” dagdag nito.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia