BENTAHAN NG PAPUTOK TINUTUTUKAN

INIHAYAG ng Department of Trade Industry (DTI) na mahigpit nilang binabantayan ang bentahan ng mga paputok sa buong bansa.

Ayon sa DTI, inuna nilang pinuntahan at ininspeksiyon ang bentahan ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan.

Base sa inspeksiyon ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau, dalawang

negosyante ang natuklasan nilang nagbebenta ng mga paputok na hindi lisensiyado.

Sa paliwanag ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, ang mga paputok na ibinebenta ng dalawang naturang negosyante ay hindi kasama sa klase ng mga paputok na aprubado nila.

Pinaalalahanan niya ang  mga mamimili na ang paggamit ng mga substandard na paputok ay may pangani na dulot.

Hinikayat din ng DTI ang mga consumer na i-report ang mga retailer, distributor, at manufacturer na magbebenta ng unlicensed fireworks.

Maaari ring magpadala ng reklamo sa  [email protected] email o tumawag sa consumer care hotline sa 1-DTI (1-384).

EVELYN GARCIA