BENTAHAN NG SASAKYAN LUMAKAS — CAMPI

sasakyan

UMANGAT ng 7.5 porsiyento ang sales volume ng Philippine automotive industry ngayong Setyembre.

Ito ay base sa ipinalabas na joint report na ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA), ang kabuuang vehicles sales ay umabot ng hanggang 31,820 units noong nakaraang buwan.

Napag-alamang mas mataas ani­la ito kumpara sa 29,599 units na naibenta noon lamang Agosto ng kasalukuyang taon.

Nabatid na ang sales figures noong Setyembre ay mas mataas din ng 2.3 porsiyento kumpara sa 31,116 units na naibenta sa kaparehas na period noong nakaraang taon.

Bunsod ng mataas pa rin ang demand para sa commercial at passenger, sinabi ng CAMPI na nananatiling malakas ang sales sa automotive sector hanggang sa katapusan ng taon. BENEDICT ABAYGAR, JR.