BATAAN – DAHIL halos wala umanong namimili ng dried fish at tinapa sa Balanga City Public Market kung saan dumaraing ang mga nagtitinda nito dahil sa sobrang hina umano ng bentahan bunsod ng epekto COVID-19 pandemic.
Pangunahing produkto ang tuyo at tinapa sa lalawigan na dinarayo pa ng mga karatig lugar para mamili dito.
Tumaas din ang presyo ng tuyo at tinapa simula ng magka-pandemya dahil na rin sa kakulangan ng supply.
Matatandaang ang Balanga City Public Market ay sumailalim kamakailan sa pitong (7) araw na lockdown matapos ang disinfection at contact tracing sa mga naapektuhan ng COVID–19 kung saan naging requirement din bago muling magbukas ang mga tindahan sa pamilihang bayan na sumailalim sa pagpapa-swab test ang lahat ng mga tindera at helper sa palengke. ROEL TARAYAO
Comments are closed.