BENTAHAN NG UNREGISTERED COVID-19 VACCINES TINUTUTUKAN NG FDA

UNREGISTERED COVID-19 VACCINES

BINABANTAYAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang pasilidad sa Makati City kung saan umano ibinebenta ang hindi rehistradong COVID-19 vaccines, ayon sa director general nito na si Eric Domingo.

Sa isang briefing sa Palasyo, sinabi ni Domingo na nakatanggap ng report ang FDA na nagbebenta ang naturang pasilidad ng COVID-19 vaccines na may advertisements na nakasulat sa Chinese.

“Pumunta ‘yung ating mga ahente doon last week. At nangako naman ‘yung administrator ng kanilang facility na hindi raw po totoo. In fact, naglabas din sila ng disclaimer,” sabi ni Domingo.

“We’re continuously monitoring at mukhang mapapadalas po ang ating inspection doon sa facility na ‘yun to make sure na hindi po nagbebenta or nag-a-administer ng unregistered na bakuna,” dagdag pa niya.

Sinabi ng Department of Science and Technology (DOST) na sa kasalukuyan ay may tatlong potential vaccines laban sa COVID-19 na nakatakdang magkaroon ng clinical trials sa Filipinas.

Ang mga ito ay ang Sputnik V, Sinovac, at Janssen. PMRT

Comments are closed.