(Bentang-benta ang meme) AIKO MELENDEZ NAGLUPASAY, DISMAYADO DAHIL NA-EXTEND ANG ECQ

BENTANG-benta ang meme ng magaling at award-winning actress na si Aiko Melendez.The point

Sobrang aliw ang netizens habang pinapanood ang short video ng karakter niyang si Kendra na naglulupasay pagka’t dismayado dahil extended ang Enhanced Community Quarantine hanggang katapusan ng buwan at hindi siya makakarampa.

Katunayan, puwedeng kabugin nito ang memes ni Daniela Mondragon.

Speaking of Aiko, marami na ang nakaka-miss ng kanyang karakter na si Kendra sa Prima Donnas na nahinto ang taping sa ipinatutupad  na lockdown.

Dahil hindi pa tapos ang laban sa COVID-19, pabor naman si  Aiko sa pag-extend ng lockdown.

Si Aiko ay isa sa celebrities na laging bukas sa pagtulong sa kanyang mga kababayan lalo na noong panahong nasa public office pa siya.

Kamakailan lang, naghatid siya ng tulong sa mga frontliner at nagbigay ng donasyon sa isang ospital sa San Marcelino, Zambales kasama ang kanyang boyfriend na si VG Jay Khongkun.

 

ZSA ZSA PADILLA NABIKTIMA NG FOOD POISONING, LIGTAS NA

LIGTAS na sa food poisoning ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla. Dahil sa ipinatutupad na lockdown, hindi ito masyadong nabalita.

Nalaman lang ito ng kanyang mga kaibigan at followers nang ibahagi niya ito sa kanyang IG stories. Aniya, “Had food poisoning last night but feeling better this morning. Grabe how sensitive my tummy gets from too much antibiotic use.” Dahil ditto, kinailangan ng aktres na mag-take ng probiotics. Aminado rin siyang labis ang kanyang panghihina dahil sa kanyang naging pagsusuka.So far, off the hook na ang singer-actress at mabuti na ang pakiramdam.

3 thoughts on “(Bentang-benta ang meme) AIKO MELENDEZ NAGLUPASAY, DISMAYADO DAHIL NA-EXTEND ANG ECQ”

  1. 857541 369513Someone essentially assist to make severely posts I may state. That could be the very very first time I frequented your web site page and so far? I surprised with the analysis you produced to create this particular submit incredible. Magnificent task! 173835

  2. 956644 740518You produced some decent points there. I looked on the net towards the concern and discovered many people go together with together with your web web site. 239413

  3. 159184 356033Superb read, I just passed this onto a friend who was doing some research on that. And he in fact bought me lunch since I discovered it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 971701

Comments are closed.