Heto na nga ang mga huling apat na Buwan…
Mga Filipino ay sabik na sa mga Kasayahan.
Sa bawat taon ‘Ber’ Months ang pinag-iipunan…
Para sa pinakamahabang paghahanda sa Kapaskuhan!
Magbabago na naman, Palamuti sa mga Kalsada!
Kumukutitap na mga ilaw sa Malls at Parks ay dadagdagan pa.
Mga disenyong Pamasko ay inihahanda na…
Ang mga Usa…kasama si Santa Claus… ay muling magpapakita.
Isa pang kinasasabikan sa ‘Ber’ Months at inaantabayanan,
Ang Malamig na Simoy ng hanging Amihan…
Mga natatagong Pranela…damit pangginaw at kasuotan
Magagamit na lagi sa Gabi, hanggang Madaling-Araw.
Kasabay nito dapat na paghandaan ng Sambayanan…
Ang pagtataas Presyo ng mga Bilihin kahit saan.
Mga Negosyante ay mayroon nang katuwiran…
Law of Supply and Demand ang ikakatuwiran.
Tanyag ang Filipinas sa buong Asya…
Kapag Selebrasyon ng Pasko ang Tema.
Bilang Kristiyanong Bansa, Filipinas ay Kilala
Sa pagbibigay parangal sa Mesias na Kristong-Dakila.
Kaya naman lahat tayo ay maghanda…
Mag-ipon paunti-unti nang may magagasta.
Hindi naman kailangang maging Marangya…
Kapaskuhan ay Pag-ibig at Pagkakaisa.
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.