UMISKOR si newly-minted season MVP Kevin Quiambao ng DLSU sa isang slam dunk sa Game 2 ng UAAP men’s basketball Finals noong Linggo. UAAP PHOTO
Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – UPIS vs FEU-D (Boys)
10 a.m. – DLSZ vs UST (Boys)
12 noon – NU vs UST (Women Finals)
6 p.m. – UP vs DLSU (Men Finals)
MAGSASALPUKAN ang University of the Philippines at La Salle sa huling pagkakataon para sa pinakaaasam na korona sa UAAP men’s basketball tournament ngayong gabi sa Araneta Coliseum.
Ang unang dalawang laro ay lopsided affairs, kung saan gumawa ng kasaysayan ang Fighting Maroons sa pagposte ng pinakamalaking Finals winning margin, 97-67, sa opener bago naitabla ng Green Archers ang series sa 22-point rout, 82-60.
Ito ang pinakamalaking championship series win ng La Salle magmula nang tambakan ang Far Eastern University, 72-47, sa Game 1 noong October 1998.
Nakatakda ang Finals decider sa alas-6 ng gabi.
Ang UP ay 1-1 sa Game 3s, kung saan tinapos ng Diliman-based squad ang 36-year title drought nito sa Season 84 bubble nang hubaran ng korona ang Ateneo sa overtime sa game-winning triple ni JD Cagulangan noong Mayo ng nakaraang taon. Gayunman ay hindi nagtagal ang paghahari ng Fighting Maroons nang manalo ang Blue Eagles sa Game 3 para mabawi ang korona noong nakaraang Disyembre.
Isinantabi ni UP coach Goldwin Monteverde ang Game 2 loss, at umaasa sa ikalawang pagkakataon na masungkit ang titulo.
“Well, it is what it is kung ano nangyari today (Sunday). We’re not gonna make any reasons kung ano turnout ng game today, rather we’re gonna look inside us, kung ano dapat namin ginawa. Ang importante dito may Game 3 pa so nandoon pa yung chance namin. ‘Yun lang, learn from it lang,” sabi ni Monteverde.
“It will count how to face challenges not alone, but to face challenges working together, helping each other out,” dagdag pa niya.
Ito na ang ika-9 na Game 3 ng La Salle sa Final Four era – ang pinakamarami ng isang koponan sa liga. Ang Green Archers ay 3-5 all-time, kung saan ang kanilang pinakahuling Finals decider appearance ay nagtapos sa pagkatalo sa Blue Eagles, 86-88, noong 2017.
Nagtatangka sa kanyang unang collegiate coaching title, handa si La Salle mentor Topex Robinson sa kung ano ang ipakikita ng UP sa finale.
“We know that it’s gonna be hard. Winning a championship is gonna be hard. Playing against the top college team in the country right now is gonna be hard. But sa amin, at the moment we just keep on enjoying that game, the game that we love, the game that has been good to us, and not shy away from the responsibility of the result of the ball game,” ani Robinson.