Bernard Bonnin, from Pretty Boy to Palos

PATAY na ang veteran actor na si Bernard Bonnin, na kinilalang “Palos ng Pinilakang Tabing,” ngunit may naiwan siyang magagandang pamana. Una, ang maganda niyang anak na si Charlene Gonzales na naging beauty Queen, at ang kambal na anak ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene na sina Andres at Atasha Muhlach. O, di ba ang gaganda?

Isinilang noong September 8, 1939, naging contract star si Bernard ng LVN Pictures noong 1958 dahil sa pelikulang Ay Pepita! na ang bida ay sina Nenita Javier at Mario Montenegro. Bale siyam na pelikula raw ang kanyang nagawa bilang ordinaryong pretty boy actor bago siya nagkaroon ng break na gumanap sa isang lead action role. Salamat sa LVN Pictures owner na si Doña Sisang (Doña Narcisa de Leon). Nagustuhan daw ni Doña Sisang ang nobelang Alyas Palos sa Redondo komiks na kalaunan ay nalipat sa Tagalog Klasiks noong 1961. Mula noong, kinilala na siyang “Palos ng Pinilakang Tabing.”

Walong Palos movies ang nagawa ni Bernard, at nakagawa rin naman siya ng iba pang pelikulang hindi Palos bago siya nagretiro sa pag-arte.

Nang magkaroon ng TV remake ng Palos (2008) na ang bida ay sina Jake Cuenca at Cesar Montano, nagkarooon siya ng guesting. Doon niya naisip na sana, may isa sa kanyang mga kaanak na magmana sa kanyang Palos role.

Syempre, ang una niyang naisip ay ang kayang apong si Andres Muhlach na napakalaki ng pagkakahawig sa kanya. Why not? Guapo ang bata, at pihadong mahusay din siyang actor – mana sa ama. NLVN