BERNIE KAAGAPAY NG MALILIIT NA SABUNGERO

SABONG NGAYON

SA kabila ng kanyang tagumpay at sa biyayang tinatamasa niya ngayon ay hindi nakalilimot si Bernie Tacoy ng BGT Gamefarm, breeder ng sikat na sikat na Ormoc Golds, na agapa­yan at tulungan ang mga kababayan niya na ma­liliit na ­sabu­ngero sa buong Eastern Visayas o Region 8.

Bagama’t nagsimula rin sa wala o sa pagiging backyard breeder, nagsumikap si Bernie sa buhay at dahil na rin sa kanyang pasyon sa pag-mamanok ay umangat na rin ang kanyang buhay at isa rin sa maituturing na matigas magmanok sa ngayon.

Ayon kay Bernie, nais niyang  makatulong sa mga kababa­yan niyang maliliit na sabungero kaya naisipan niyang magtayo ng isang asosasyon para mapagsama-sama ang mga ito at tulungan sa pagmamanok nila.

“Noong  nag-uumpisa pa lang  ako mag-breeding pangarap talaga natin na magkaroon ng sabungan dahil passion natin ‘yung sabong. At saka nu’ng huli talaga tinanggal na ako sa Bakbakan, inalis nila ako ang dahilan dahil wala masyadong . . . hindi rasonable ba kasi ang advocacy ko na-man talaga sa sabong ay hindi lang para sa‘kin kundi para rin dito sa taga-amin na makapag-share sa kanila ng bloodlines para ma-upgrade ‘yung mga bloodline nila,” ani Bernie.

“At number one kaya ako nasa sabungan ay dahil gusto ko na may  lugar na pagdadausan ng mga maaayos na laban, fair play, tapos maganda ang venue, may rules na sinusunod na ­maayos kaya ‘yun ginawa natin ‘yung LRAC (Leyte Recreational and Amusement Complex) sa Palo, Leyte,” dagdag pa niya.

Sa hangaring mapalakas pa lalo ang sabong sa naturang rehiyon, hinikayat niya ang mga backyard breeder na sumali sa kanyang asosasyon, ang SLB-GBCC o Samar Leyte & Biliran Gamefowl Breeders & Cockers’ Club. Sa ngayon, aabot na sa halos 500 ang miyembro ng SLB-GBCC, ayon kay Bernie, kung saan siya ang tumatayong chairman nito.

“’Yung mga ma­liliit na breeders na nag-uum­pisa kasi gumagawa tayo ngayon ng pe­derasyon sa buong Samar Leyte and Biliran, nagtayo tayo ng mga maliliit na associationa sa mga sulok-sulok ng buong Eastern Visayas na kung saan itong asscoaition ko ang nag-umbrella sa kanila,” ani Bernie.

Bukod pa riyan, tinutulungan  niya rin ang mga backyard breeder sa kanilang pagmamanok, nagbibigay ng libreng seminar at namimigay ng breeding materials para ma-improve ang kanilang mga linyada.

“Aside from that nagsi-share tayo hundreds of broodstags and pullets para doon  sa mga nag-uumpisa pa lang,” dagdag pa niya.

Bukod pa riyan, nagsasagawa rin siya ng medical mission sa iba’t ibang sabungan sa Eastern Visayas para sa mga sabungerong na­ngangailangan ng atensiyong medikal kung saan karamihan sa kanila ay walang nang oras para magpa-check up.

“Aside from that nagkaroon tayo ng outreach program, ako lang ang sabungero na nagbibigay ng libreng medical mission sa loob ng sabungan sa iba’t ibang lugar,” ani Bernie.

“Every December or January magkakaroon tayo ng medical mission, siyempre sabu­ngero tayo na pumupunta ng sabungan, ‘yung iba kasi nangangaila­ngan din sila ng libreng check up at gamot,” dagdag pa niya.

Naging partner niya noon ang Beta Sigma Fraternity sa kanyang medical mission katuwang ang Thunderbird kung saan isa siya  sa endorsers.

“May mga kaibigan kasi akong doctor na Beta Sigma from Manila, pumupunta sila rito sa lugar ko tapos nag-a-assist din sa amin  ‘yung Thunder-bird at saka ‘yung association ko. Ang mangyayari nga­yon, sole project ito ng LRAC at SLB-GBCC.”

Comments are closed.